a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Wednesday, July 27, 2011

Bagyong Juaning: A Blessing in Disguise



May natutunan ako dahil kay Bagyong Juaning. Na hindi lang puro pinsala ang dala ng isang bagyo, Minsan kaligayahan rin. Agree Students? :)

Baka akalaen ng iba na tamad akong estudyante. Hindi naman slight lang. Haha. I dont know why...pero parang tamad na tamad ako this week. Siguro epekto yun ng kakatapos lang naming examination week. O di kaya tamad lang akong sadya. Sa tingin niyo?

Balik tayo kay Juaning, dahil nga kay Juaning, This week ay 2 lang ang pasok ko. Nung Lunes at sa Sabado. kaya naman wala nang mas gagalak pa sa akin.

Dahil wala naman akong ginagawa. Gusto magbigay nang reaksyon sa SONA ni PNoy.

Monday, July 18, 2011

Amanda Coling raped by 4 Azkals Players?



Four Azkals Players involved in rape? - Bago pa lang pumutok ang balita na sangkot nga daw ang apat na players ng Azkals sa isang rape ay nabasa ko na ito sa isang blog. After I read the whole article, My impression is that " tsk. fake!" because una, galing ang accusation sa pinatalsik na Azkals Consultant na si Paul Weiler.

Then, the next day. Na-shock ako dahil lahat ng news program sa TV (like TV Patrol, 24 Oras, Aksyon) e, merong balita about nga sa rape scandal na kinasangkutan ng Azkals.

Then, Napanuod ko sa TV Patrol at Aksyon na nagpapa-interview yung babae na sangkot nga daw sa Rape scandal pero naka-pixel yung face niya.

Until, kahapon (Sunday), napanuod ko sa Showbiz Central na nagpapa-interview ang babaeng sangkot sa rape scandal. At nagulat ako dahil... may pangalan na siya at nagpakita pa nang mukha. Her name is Amanda Coling.

Thursday, July 7, 2011

Everyone Meet My BFF !!


Last Tuesday, pagka-uwe ko sa bahay galing school. Abah! nasaa pintuan pa lang ako e, nagsisigawan na ang mga pamangkin ko.

Pamangkin 1: Di mo nakita si Sam sa TV (nagyayabang yung aura niya)
Pamangkin 2: Sa Eat Bulaga!
Pamangkin 1: Oo! (nagyabang paren ang face niya)

Dinedma ko nga. haha!! So, diretso ako sa kwarto ko para magpalit. Tapos may pumasok, si Kuya, sabi niya.

Kuya: Nasa PNV si Sam kanina!
Ako: Baket contestant siya?
Kuya: Hindi judge siya. Pumayat nga siya lalo e,

Hindi masyado masigla ang mga sagot ko kasi pagod ako. Hindi pa kumakaen. Pero gumana na naman ang aking imahinasyon. Sabi ni Kuya, pumayat daw si Sam lalo. Tanong ko sa sarili ko; "Ano pang itsura nun, e, payat na yun"

Kinabukasan, hinanap ko yung video ng 'Eat Bulaga' dated July 5.  Mabilis ko namang nahanap dahil may tangking talento ako sa paghahanap ng mga videos na yan. Yun na nga nahanap ko na. At pinanuod ko. Aba! Confirmed! Si BFF nga!! Akalaen mo, naunahan pa ko maging artista.

So, everyone Meet my BFF...Sam! :)

Artistahin na nga si BFF. Naka-eye shadow na e,. :D Anyways, Congrats to you BFF! ikaw na! D Best ka! :)

Friday, June 10, 2011

Vote for Puerto Princesa Underground River



 

154 days left to vote for our very own Puerto Princesa Underground River in the New 7 Wonders of Nature. Kaya naman puspusan ang ang ginagawang kampanya ng Lokal na Gobyerno ng Palawan kasama na ang Presidente ng Pilipinas upang mapasama ang Puerto princesa Underground River sa New Seven Wonders of Nature.

Saturday, June 4, 2011

Ibinentang Kidney



Madami talagang nahuhumaling ngayon sa Apple Ipad2 oh, include me on the list :) kaya naman walang kaatug-atug na ibinenta ng isang 17-year old Chinese Boy ang kanyang isang kidney para sa halagang 20,000 yuan o 146,000 pesos kapalit nga ng isa niyang kidney. Dahil sa laki ng kinita niya ay hindi lang Ipad2 ang kanyang nabili kundi pati Apple Iphone5.

I must say, ang tapang ng batang yan ah. Kasi ako ...gusto ko rin magka-ipad2 tulad niya kaso magkaiba pa rin kami, dahil hindi ko kayang ibenta ang kidney ko. Nakakatakot kaya yun! wahaha!

Nang marinig ko 'to sa news kagabi, nagulat ako kasi usually, nagbebenta ang isang tao ng kanyang internal organ dahil sa kahirapan pero ito DAHIL SA GADGET.

Kayo kaya niyo bang magbenta ng kidney dahil lang sa luho? tsk. tsk.

Sunday, May 22, 2011

Buhay pa ko!



After May 21, 2011, eto pa rin ako buhay na buhay! -Nakaka-facebook, nakakapag-twitter at higit sa lahat nakakapag-online! :) .Kala ko ba end of the world na? tsk.

Well, isa lang ang ibig sabihin nito, pinagloloko-loko lang tayo ni Harold Camping, ang nagsabing end of the World nung May 21. Ang lakas pa ng loob nilang magpunta dito sa Pilipinas para magsabi ng mga walang katotohanang bagay. Subukan nilang pumunta ulet dito, babatukan ko na sila. wahaha!

Ayon sa balita, hindi lang pala isang beses nag-predict si Harold Camping na magugunaw ang mundo dahil nung 1994 ay sinabi na rin niyang magugunaw ang mundo ngunit hindi rin naman natuloy. Kaya ibig sabihin lang nito Mahal tayo ng Bro! (:

 "No one knows about that day or hour, not even d angels in heaven, nor the son but only the father."- Mathew 24:36-39

Hit the comment box kung buhay ka pa rin tulad ko. haha!

Wednesday, May 18, 2011

Reproductive Health Bill




Today is the start of the big debate about the most-controversial and most-talked about bill, the Reproductive Health Bill/RH Bill aka Responsible Parenthood Bill /RP Bill

Ano nga ba ang goal ng RH Bill?
Base sa aking pagkakaalam at 'sariling' pagkakaunawa, RH Bill aims to improve maternal health as well as family planning to help alleviate poverty in the country. RH Bill also promotes usage of condoms and other contraceptives available in the market. In Addition, RH Bill doesn''t encourage abortion. 

Dahil ayon na rin sa mga naglalabasang statistics madaming ina ang namamatay dahil sa hindi tamang pagbubuntis/ panganganak o hindi malusog ang pagbubuntis at dahil na rin yan sa kahirapan at kawalan ng kaalaman ng mga ina sa tamang pagbubuntis.

ShareThis