Pages

Thursday, April 28, 2011

Friendster Alert



You've heard the news? Magbabago na daw ang ayos ng Social Networking Site na Friendster in the coming weeks. Mawawala na ang mga social networking functions nito tulad ng mga messages, blogs and photos. Kaya pinapaalalahanan nito ang mga Friendster users na i-export na nila ang mga photos and ilang mga importanteng bagay na nakalagay sa Friendster account nila bago pa man ito tuluyang mabura.

At para mapadali ang pag-eexport ay gumawa ang Friendster Team ng isang application, ang "Friendster Exporter", kung saan mas mapapadali nito ang pag eexport ng mga data from friendster to other third party sites like flickr and multiply.

Matatandaan na ang Friendster ang pinakasikat na Social Networking Site noon sa Pilipinas. Namayagpag ito bilang nangungunang Social Networking Site ng limang taon sa Pilipinas. Ito rin ang nagbukas ng ideya sa mga Pinoy kung paano gumagana ang isang Social Networking Site.



4 comments:

  1. mawawala na siya? di man lang ako nakapagbukas ng account haha.

    ReplyDelete
  2. @sean - haha. may pagkakataon pa po. hanggang may 31 pa naman siya. habol na. :)

    ReplyDelete
  3. wow.. hanep, may kasama pang trivia sa last sentence.. ahaha... informative! iba na talaga matalino! ahahaha


    kahit di ko na iexport ung mga pics ko dun keri lang. wla me paki sa frenster... hehe...

    ReplyDelete
  4. @rap - ahaha. wala lang kasi akong masabe kaya sinabe ko naren. hehe.

    haha. sayang kasi mga pics ko dun kaya kailangan ko talagang i-export.

    ReplyDelete

Your opinion is valuable. Share your thoughts. Ask and I Will Reply.