Pages

Sunday, April 3, 2011

The Sign




Ako yung tipo ng tao na kapag nahihirapan ako mag-decide on a certain thing or naguguluhan ako sa isang bagay na parang kailangan ko ng kasagutan o kalinawagan, talagang lumalapit at humihingi ako ng tulong Kay Bro (God). At kapag humihingi ako ng signs sa Kanya ay talagang kinakausap ko siya... sinasabi ko yung mga kondesyones.

Like what I did last wednesday, March 30, 2011, Humingi ako ng tulong Kay Bro kasi may gumagambala sa akin mentally and emotionally. Naguguluhan ako sa isang tao I don't know kung yung nararamdaman ko para sa kanya ay katulad nang naramramdaman niya para saken. You know what I mean. 

The Story.
Nung una na-attract lang ako sa kanya. Yung parang crush-crush lang or what should I say parang "Flavor of the Month" ko lang siya. Pero things changed. Naging mag-classmate kami last semester on more than 2 subjects ata. Hindi ko napansin na parang 'overdue' na ata siya para sa 'Flavor of the Month' ko. Dahil lagpas 3 months na ata ko siyang 'flavor'...but still, hindi pa rin ako 'na-uumay ' or 'nag-sasawa' sa kanya. But still, hinayaan ko lang. That time, alam ko na siya ay 'in a relationship'... at para saken okay lang kasi crush lang naman diba. Pero mukhang pinaglalaruan ata talaga ako ni Kupido kasi the situations changed.

The First.
Ok. morning nun, everyone inside the room is packing their things. Ako tinutupi ko yung pants ko sa kama. My bed position is facing the door. And that time, naka-bukas yung pinto. Then may pasok, so, napatingin ako.... Ohhh... siya pala! shet! di ko napigil yung sarili ko na tumitig sa kanya at hindi ko rin namalayan na nakatitig rin siya sken habang naglalakad siya...siguro mga 6-8 seconds rin yung titigan namen hanggang sa matauhan ako.


The Second.
Hindi na 'to sa Baguio. Eto, recently lang nangyare. hindi na kami mag-classmate. Naulet ang titigan. Pero this time, mukhang siya ang unang tumingin at mas maikli ngayon kasi ako yung umiwas. Ang dameng tao kasi  men, nahihiya ako(hahaha)!!! at ang dame ko pang ginagawa.

The Signs.
Kaya humingi ako ng signs Kay Bro. Kasi hindi ko alam kung 'in a relationship' pa rin siya kasi hindi na nga kami classmates. Ako na mismo yung nagsabe kay God ng mga signa. hahaha. Sabe ko, kapag ako kinausap niya on April 1, 2011 kahit Hi or hello lang, that mean- positive. Pero kapag hindi, positive ulet. hahaha! Joke! Kapag hindi -negative yun.

The Result.
NEGATIVE. Nagkasalubong kami sa stairs. Paakyat siya samantalang ako pababa. But still,  natapos ang araw na walang ngitian or hi or hello man lang. pero OK lang. whether the signs are true or not. Atleast ngayon mapapanatag na ang loob ko. At no hard feelings 'to Pre! :)

8 comments:

  1. ahahah... ang kulit.. kala ko ung mga titigan na naganap ay hahantong sa isang napaka censored na pangyayari.. ahaha.. joke...

    sayang naman ung sign na hiningi mo from Bro... pero hindi naman jan nagtatapos ang lahat lahat eh... malay mo sa ngayon maaring hindi pa ito ang right time... (pero mahirap nmn umasa lng dba?...) bakit di mo nlng kaya sya kausapin? friendly talk lang ba.... walang halong echusan.. ahaha... then ask urself kung ano feelings mo after mo sya makausap...

    ReplyDelete
  2. ahaha. grabe naman un. anu un public sex. ang dame kayang tao sa room.

    noong ngang classmate kame hindi kami masyadong nag-uusap. Ngayon pa kaya? Pero OK lang naman ssken un. ahaha. I'm still young. :)

    ReplyDelete
  3. hahahaha naks talagang sa titigan dinaan.hehehe :D

    ReplyDelete
  4. ahaha.. ou, pinapauso namen. :)

    ReplyDelete
  5. ako ay naaliw sa post na 'to.

    anung year ka na ba? bat di mo sya try ligawan? wala naman mawawala kung mabasted ka nya. atleast nagtry ka. kesa naman puro titigan lang kayo.

    ako den e minsan humihingi ng signs sa Kanya. minsan kala ko sign na.. pero mali ang akala ko. sa tingin ko lang binibigay nya lang yung alam nyang para sa atin talaga. minsan walang sign pero yun ang da best para sa atin kaya nya binigay.

    ReplyDelete
  6. @bulakbulero - ligawan? ahaha. i wish ganun nga kadali. but unfortunately its not. situations are too complicated. at dahil complicated ang sitwasyon, e, ayaw ko nang pag-usapan pa. hehe.

    ReplyDelete
  7. hahaha.. signs... hindi pala ko nagiisa sa mundo na gumagawa nyan... apir! rockenrol \m/

    ReplyDelete
  8. @jecel - ahaha. wala namang masama e, kaya go!

    ReplyDelete

Your opinion is valuable. Share your thoughts. Ask and I Will Reply.