Pages

Wednesday, July 27, 2011

Bagyong Juaning: A Blessing in Disguise



May natutunan ako dahil kay Bagyong Juaning. Na hindi lang puro pinsala ang dala ng isang bagyo, Minsan kaligayahan rin. Agree Students? :)

Baka akalaen ng iba na tamad akong estudyante. Hindi naman slight lang. Haha. I dont know why...pero parang tamad na tamad ako this week. Siguro epekto yun ng kakatapos lang naming examination week. O di kaya tamad lang akong sadya. Sa tingin niyo?

Balik tayo kay Juaning, dahil nga kay Juaning, This week ay 2 lang ang pasok ko. Nung Lunes at sa Sabado. kaya naman wala nang mas gagalak pa sa akin.

Dahil wala naman akong ginagawa. Gusto magbigay nang reaksyon sa SONA ni PNoy.


NEWS#1
Napanuod ko sa internet yung kabuuang SONA ni PNoy. Hindi ko sasabihing bagsak o pasado siya dahil hindi naman ako magaling sa mga ganyang bagay. Pero pinakapaborito kong litanya niya ay yung about Spratlys at pasaring sa dating administrasyon na:
"Malinaw ang pahiwatig natin ngayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue."
"May mga nagsasabing pinepersonal ko raw ang paghahabol sa mga tiwali. Totoo po: Personal talaga sa akin ang paggawa ng tama, at ang pagpapanagot sa mga gumagawa ng mali—sino man sila." - ANC
With those lines. I think karapat-dapat na talagang siyang tawaging Pangulo ng Pilipinas. Kaya naman sa mga bumabatikos sa kanya na nagsasabing walang kwenta ang speech niya. Kayo naaa!!! Kayo na ang magaling. Kayo na mas magaling. Kayo na ang pinakamagaling. In Short, Kayo na ang Bida!!

PS:  Dalangin ko ang safety ng mga tao sa lugar na todong binabayo ng Bagyong Juaning. Sabi nga John Lloyd "Ingat!".


Follow _allanistheman on Twitter or Twitter(blog)

No comments:

Post a Comment

Your opinion is valuable. Share your thoughts. Ask and I Will Reply.