Pages

Thursday, December 22, 2011

Batangas Escapade: The Long Hours of Trip


Natuloy na rin ang plano naming magka-kaklase na gumala. Pero hindi sa orihinal na plano na sa Laguna. Kundi sa isang tahimik na lugar na medyo may kalayuan sa kabihasnan. Sa Canyon Cove Beach Resort sa Nasugbu, Batangas.

From Makati City to Pasay Bus Terminal. Then mula sa Pasay hanggang Nasugbu Bus Terminal ay katakot-takot na 4-5 hours ang aming naging biyahe. 

Halos ma-manhid na yung pw*t ko dahil sa matagalang pag-upo. 

'Pagdating namin sa Nasugbu Terminal, e, pag-ihi at pagkaen ang una naming inatupag. At napili naming kumaen sa Haunted Mang Inasal. Yap! Mala-haunted resto ang tema nila. Walang music tapos walang gaanong kumakaen. Kaya nung mga panahon na yun ko namiss ang walang kamatayang music ng Mang Inasal sa Makati na ♫Sa Mang-Inasal... Sa Mang-Inasal ♫♫

After kumaen, Pumara na kami ng tricycles papuntang Canyon Cove Resort. Akalaen mo, Php50.00 daw kada isang tao ang fee. Takte. 

Pero syempre, hindi kami papayag na 50 each. Kaya ang huling deal ay Php30.00. 

Habang nakasakay ako sa backseat ng tricycle. Napansin ko ang dilim at saka walang Christmas Decorations. Then mga 15 minutes nakarating na rin kami. Medyo malayo nga. hehe kaya pala mahala ng pamasahe.


'Pagbaba ko ng tricycle. Eto ang bumungad sa aken. Nakakawala ng pagod. (:




Gabi na kami nakarating sa Resort kaya eto ang nadatnan namin. Ang ganda lang e noh? :D

'

Two rooms kami. At ako ay napadpad sa Room 113

Eto ang Bed ko. :)) 

Syempre, hindi ko naman solo ang room may kasama akong iba. 4 kami sa kwarto. 
Disclaimer: Hindi ko bed yung magulo dun sa may bandang pangalawa. Hindi ako ganyan kagulo sa kama. :D

to be continued...










Follow _allanistheman on Twitter

No comments:

Post a Comment

Your opinion is valuable. Share your thoughts. Ask and I Will Reply.