a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.
SEARCH THIS BLOG!
Monday, February 6, 2012
What's Not Good About "It's Showtime"
The New Studio.
Hindi naman masasabing bagong-bago ang studio ng It's Showtime dahil hawig lang rin ito sa dati nilang studio noong talent show pa lang sila. Pinalaki at Pinaganda lang ang itsura ng stage. Pero, enough na ba ang mga changes na yun? my answer will be a BIG NO. Ang dilim ng effects ng lights ng studio nila hindi bagay para sa isang Noontime Show.
Games & Segments.
Maganda yung game hosted by Kuya Kim na Rock Clock. Ok rin yung Arte Mo! kaso nagugulo lang kapag nagsasalita na yung mga choices. Samantala, yung ibang games/segments like Sine Mo 'To, Singing V, Pitik Bulag are all lame. Oo, kwela ang Sine Mo 'to pero ang gulo at dahil sa walang kaayusan...e, nakaka-tempt maglipat ng channel. Yung Singing V naman, bago lang ang pangalan pero the concept? i don't think so. While the Pitik Bulag naman ay corny at OA. With all these games I could say that "It's Showtime" is far far far behind 'Eat Bulaga'.
Talent Show.
Ni-retain ng show ang talent segment which is good dahil nabibigyan ng chance na magpapasikat ang mga contestants na mula sa iba't ibang lugar sa bansa. Pero naging magulo na ang segment na ito dahil naka-split screen. Pinapakita na rin yung mga nagpe-perform sa kanilang mga lugar/barangay at yung mga nagsasayaw sa Studio Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin. Ang sakit sa ulo. Ang Gulo! Sana yung nasa Studio na lang ang ipakita.
Ni-retain ng show ang talent segment which is good dahil nabibigyan ng chance na magpapasikat ang mga contestants na mula sa iba't ibang lugar sa bansa. Pero naging magulo na ang segment na ito dahil naka-split screen. Pinapakita na rin yung mga nagpe-perform sa kanilang mga lugar/barangay at yung mga nagsasayaw sa Studio Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin. Ang sakit sa ulo. Ang Gulo! Sana yung nasa Studio na lang ang ipakita.
Sa napanuod ko ngayong araw, na-disappoint ako. hindi nito na-meet ang expectations para sa bago nilang noontime show. Parang ngang hindi man lang pinaghandaan at pinag-isipan ng ABS-CBN ang bago nilang Noontime Show. O di kaya nagka-amnesia at nakalimutan na ng Kapamilya Network kung paano gumawa ng TOTOO at MASAYANG Noontime Show simula ng mawala si Willie Revillame sa kanilang bakuran.
Mas gugustuhin ko pa nga ang ilang games ng Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey tulad ng OMG at Tanging Hininga Mo. Kesa sa mga games ng It's Showtime.
How about you? Nagustuhan mo ang bagong Showtime?
P.S.
Hindi intensyon ng post na ito na laitin ang It's Showtime bagkus ay hinihikayat ng post na ito na gisingin ang mga tao sa likod ng show na pagbutihin at pagandahin pa ang kanilang programa.
..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i just dont like it pero lets give them a chance... malay mo...wahahaha!
ReplyDelete@ish- nabuhay ka ish. hehe. yap! let's give them a chance.
ReplyDeleteI just really miss blogging and reading blogpost as welll.... miss na rin kita...kailan tayo magkikita?!!!
ReplyDeletekaw lang naman ang hinihintay kong magyaya.. haha!! kaw na mag-plan.
ReplyDelete