a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Thursday, January 13, 2011

Natututunan bang mahalin o ibigin ang isang tao?


May gusto lang akong i-share sa inyo about sa napanuod ko last sunday. Napanuod ko sa isang show na nag-dedebate ang mga guest sa isang tanong. The question goes like this... "Natututunan bang mahalin o ibigin ang isang tao?"

I should agree sa sinabi nang sumasang-ayon na love comes in 3A's- Attraction, Admiration and Affection. Ibig sabihin, kapag nakita mo isang tao ang nararamdaman pa lang natin is Attraction. Attracted tayo sa isang tao dahil sa kagandahan niya, kagisigan o kagwapuhan. And then, Kapag mas nakilala natin yung tao na yun- for example mabaet siya, magalang. So dun pumapasok ang Admiration. Until humantong sa Affection.

I strongly agree also sa audience na nagsabing "mas maganda kapag ang pagmamahalan ay natututunan kasi may development". Ibig sabihin  nag-grogrow.

Ang sabi naman ng kabilang panig, na nagsasabing hindi natutunan ang pagmamahal. Ang pagmamahal daw ay kusang nangyayare. Kapag nakita mo yung isang tao e, bigla daw titibok ang puso at booomm.. may pagmamahal na daw.

To end of this discussion, I must say that pwede nating matutunang mahalin ang isang tao at pwede ring hindi. Kumbaga it depends on the situation and also on the person. Dahil kung ayaw mo talaga sa isang tao, kahit na sabihin nating dead na dead yung taong yun sayo, at lahat ay ginagawa masuyo ka lang, e, wala siyang magagawa dahil ayaw mo sa kanya. Kumbaga, you're not attracted to her/him.

But i guess, may disadvantage ang pagsasabing hindi o sabihing biglang nararamdaman lang daw ang pagmamahal kapag nakita mo yung isang tao. The disadvantage e, pwedeng yung sinasabi mong in-love ka sa isang tao ay false alarm lang pala. Pwedeng na-cutean ka lang o nagandahan sa taong yun.

How 'bout you? Do you think you can learn to love someone?


Comments
1 Comments

1 comments:

Your opinion is valuable. Share your thoughts. Ask and I Will Reply.

ShareThis