a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Showing posts with label from THE MAN. Show all posts
Showing posts with label from THE MAN. Show all posts

Tuesday, October 28, 2014

The Confession of Online Shopaholic: Where to Buy Authentic Ray-Ban Sunglasses?

Supercalifragilisticexpialidocious! Check what arrived at my house SOONER than it supposed delivery date. You got it right! A black box just a black box. Nothing comes inside. End of this article. PERIOD. LOL

The Confession of Online Shopaholic: Where to Buy Authentic Ray-Ban Sunglasses?

Friday, April 22, 2011

Grado


Pagkatapos ng isang buwang paghihintay, Finally! All grades are released and posted. At isang malaking ngiti sa aking mukha ang sumibol ng aking makita ang aking mga grado. Yiee! na-achieve ko na rin ang pinapangarap ko noon pang walang dos (2) na grado. 



At mataas rin ang itinaas ng aking General Weighted Average (GWA) kumpara sa mga nakaraang semester.
Kung noong last semester ay 1.61 ang GWA at may dalawa pa akong dos (2), ngayon ay ang aking GWA ay 1.44 at wala pang dos. Kaya wala nang mas sasaya pa sa akin nung makita ko ang aking mga grado. 

Ngunit hindi ko  nabale ang "trend" sa mga major subjects ko. Kasi sabe nila kapag Major subjects ay mahirap makakuha ng 1.25 at uno (1), pinakamataas na daw yung 1.5 which I think ay may katotohanan naman kasi never pa akong nagka-uno o 1.25 sa mga major subjects ko. Swerte ko na kapag naka-1.5 ako tapos pag minalas malas pa 1.75. Pero choks lang! may next semester pa, Right Allan? :)

Pero kahit gaano kataas ang aking grado ay walang-wala pa rin ito kay John Gabriel Pelias ng University of the Philippines. Siya lang naman ang nanguna sa 21 summa cum laude, 215 magna cum laude at 794 cum laude na nagsipagtapos ngayong taon sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang general weighted average (GWA) ay 1.016. Grabeh!! Ikaw na John Gabriel Pelias!! 


At napanuod ko sa news na tatlong (3) beses lang daw siya nagka-1.25, tapos lahat daw ng grades niya ay puro uno(1) na. Kaya naman sayo John Gabriel Pelias, I Salute you!!


Thursday, April 14, 2011

Philippines will switch from Analogue TV to Digital Television.



It seems that the Philippines is ready to switch to Digital Television (DTV) from Analogue Television. As ABS-CBN, Philippines' largest TV Network, announced that they are ready to launch five new premium free-to-airs TV via DTV this year and they are just waiting for the final go-signal coming from National Telecommunications (NTC).

What is DTV and what are the benefits on switching from Analogue TV to DTV?
DTV (Digital television) is a high-tech standard that uses digital signals for broadcast. Many Countries including USA, Japan, Singapore and other European Countries already switched to DTV. 

The Benefits of switching to DTV:
1. Filipinos can enjoy more free-to-air TV channels because DTV occupies lesser space in the frequency compare to the Analogue TV. And that means, a TV station can broadcast on more that one channel.
2. DTV produces better picture and sound, so the issues like poor reception, grainy images and choppy sound/audio will never be a problem anymore for viewers.

When will DTV start in the Philippines?
DTV/ DTT (Digital Terrestial Television) may start this year 2011, pagkatapos ma-i-release ng NTC ang mga implementing rules on using Digital. The release date of the rules will be on June of this year.

Sisimulan ang pag-implement ng DTT in some selected areas. Meanwhile, NTC said Analogue TV will shutdown its operation not sooner than 2015
Moreover, in able to switch or experience DTV, a household needs to purchase a DTV Digibox that cost similarly to DVD Player, so that is around Php2,000. 1 TV set = 1 DTV Digibox. So, if you have 3 TV Set in your house, you need to buy 3 DTV Digibox also.

On a personal note, I find switching to DTV is a great idea and buying DTV Digibox is reasonable, BUT can everyone afford the DTV Digibox? i don't think so, Paano yung ibang pamilya na sakto lang para sa pagkain ng kanilang mga anak ang sinasahod? and one more thing , wala na bang magagawa ang NTC or any other broadcasting companies na gawing hindi lang 1 is to 1 ang ratio ng TV Set at DTV Digibox? kasi paano kung sa isang bahay 3 ang TV Set so kailangan nilang bumili ng 3 DTV Digibox.. Ok sabihin na nating afford naman nila yun, but still... parang aksaya parin ata ng pera yun. 

What do you think?

Monday, April 11, 2011

Summer na !! :)


Ngayon-ngayon lang pumasok sa aking isipan na summer na pala. Tag-araw na pala, akalaen mo un...Summer ang pinaka-gusto kong season sa Pilipinas. Dahil una, pag-summer...alam na.. wala nang pasok! tulog, gala , kaen, tulog na lang ang ginagawa nameng mga estudyante. Pero hindi ko naman nilalahat ang mga estudyante na kaen, tulog lang ang ginagawa kapag summer dahil yung iba nag-susummer job, Palakpakan natin sila!! Whoaa!  Ang mga masasabe ko lang sa inyo, sa inyong mga estudyante na nag-susummer job... "Kayooo naa!! Kayooo na ang masisipag!! aat ako na ang tamad! " pero OK lang yun sabe nga "di bale nang tamad, di naman pagod". haha!

Grabe, hindi ko talaga ma-take mag-summer job. feeling ko, summer na nga lang ang pahinga ko, pati ba naman sa mga panahon na yun, papagurin ko pa rin ang sarili ko?! And besides, next summer...ramdam ko... ramdama na ramdam ko, wala akong summer vacation. OJT na namen!! Well, my school reminded me about it. KJ talaga ng school noh? next summer pa yun, pero sinabe na agad nila. mga excited lang e,.


BTW, kapag summer masarap kumanta, ewan ko kung baket, siguro dahil kahit gaano kapanget ng pagkanta mo, still, malabo pa rin ang pag-ulan dahil tag-araw nga.

Thursday, April 7, 2011

Your Names Is Not An Accident of Fate


Napansin ko nung isang araw na may pinagkakatuwaan ang mga tumblr user. At ayun ay tungkol sa kanilang mga pangalan. At dahil may pagka-inggitero nga ako. Tinry ko. Wala namang mawawala saken.



At yan ang sumambulat saken sa pagpunta ko sa isang site. Nilagay ko yung first name ko, Middle name at last name. then click the "process" button and Voila. Ang resulta. Naka-italicize at white ang mga favorite kong lines. Yung iba, slight favorite lang. haha!

Wednesday, March 30, 2011

"Pack Lunch" & "Maputi Lang"


I have been quite busy these past few weeks. Grabe! yung iba nagbabakasyon na. Ako natataranta palang sa mga exams and research papers na kailangang tapusin. pero ok lang...masaya pa rin naman ako :)

Hindi rin ako nakapag-blog for a long time. Kaya magkwe-kwento na lang ako ng mga nakakatawa at nakakaasar na pangyayari saken nitong mga nakaraang araw.

Simulan natin sa PACK LUNCH
Monday morning yun. Nakasakay ako sa jeep papuntang school. Huminto yung jeep tapos may sumakay na dalawang babae sa may tapat ng Mapua, pero hindi sila ata mga estudyante ng Mapua kasi medyo may edad na sila. mga nasa 26 - 27 years old na sila kung titignan. Magkatapat sila ng upuan. Yung isa katabi ko. E di nag-usap sila.

Girl 1: Saan kayo kumakaen kapag lunch break?
Girl 2: Pack Lunch lang ako.
Girl 1: Saan yun? (amp.wahahaha!!)
Girl 2: May baon ako.

Haha. Parang gusto kong tumawa ng malakas that time. pero pinigilan ko yung sarili ko. wahaha! Nakakatawa kasi yung pagkatanong niya ng "Saan yun?"..parang curious na curious siya. :)
_______________ ...

#2 MAPUTI LANG.

Sunday afternoon, nagpagupit ako. Syempre, naglakad lang ako dahil sa wala naman akong kotse diba. Lakad ako ng lakad. Hanggang may natanaw akong 3 babaeng nagkwekwentuhan. Yung babaeng naka-green tumigin saken. Tapos next naman yung pink. Dun pa lang napagtanto ko na...na pinaguusapan nila ako. So, nung padaan na ko sa tapat nila sinabi nung nakakulay green na "Maputi lang". Wahaha! And I know she is referring to me. wahaha! napangiti lang ako sa sinabi niya. :) Kasi at last nalaman kong maputi ako. hihihi
_______________ ...

End of post. 
Madame pa kong dapat tapusin. hanggang sa susunod. :)

Tuesday, February 22, 2011

I feel better now


Hindi masyadong naging maganda ang mga kaganapan sa aking buhay after kong mag-blog about Good Vibes.

FRIDAY = GOOD VIBES
SATURDAY = IRRITATING
SUNDAY = GALIT
MONDAY = INIS

Last Sunday ang pinaka-climax ng Bad Vibes. Nasaktan ako ng isang taong i used to call a friend, nang patalikod akong siraan sa ibang tao. Magsabe ng mga hinanakit niya sa akin sa ibang tao. Nung nalaman ko yun, Grabe... Parang nasaksak ako ng isang-daang beses or more than that. I never expect na isang kaibigan pa ang sisira sa akin. I think magiging mas magaan siguro para sa akin na yung hindi ko kaibigan ang sumira o manira sa akin ng patalikod...pero hindi e, kaibigan ko pa... P*cha talaga!

Kung feeling mo na-offend kita sa mga salita ko. Then, ano ba naman yung sabihin mo sa akin? At in the first place, may magagawa ba ang ibang tao kung feeling mo nga na-ooffend kita? Sus. Hindi na tayo mga Grade Schoolers para umasta ng mga ganyang bagay. If you have a problem with me, then say it to my face!! 

Kahapon ko pa dinadamdam ang mga nangyare. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pero I feel better now...I should say.

Friday, February 18, 2011

Good Vibes !



Masaya. yan ang aking naramdaman sa buong araw. Sino ba naman ang hindi sasaya makita ang kanyang hinahangaan sa pagpasok pa lang sa eskwelahan. 

Pumasok ako ng medyo maaga ngayong araw, the usual thing na ginagawa ko every friday. As I enter the school campus... nakita ko yung mga friends ko sa admission office. nag-wave sila with a smile. Kaya wave rin ako with a smile rin. Syempre, baka magtampo ang mga fans. LOLJoke! :D

Naglakad ako papunta sa main door ng school. Syempre, may guard na naman. Akala ko ipapa-open niya yung bag ko at tutusukin niya pero hindi niya ginawa kaya medyo natuwa ulet ako. 

Pagpasok ko. Ayun naramdaman ko na ang malamig na temperatura. Ibig sabihin nasa loob na talaga ako ng school. Then, akyat ako sa third floor...turn left...lumapit ako sa pinto ng room... Suddenly, WOW! nakita ko siya. Hawak-hawak ko yung door knob. Tapos nagdadalawang-isip pa kong pumasok kasi nahihiya ako. wahaha!! Hindi sana ko papasok pero parang may bumulong sa 'kin " Hey! baka may klase ka sa room na yan in a few minutes". Walang ano-ano ay binuksan ko ng maigi yung pintuan at pumasok ako. Syempre habang papasok ay smile ako (baka may paparazzi sa tabi-tabi kaya dapat palaging naka-smile). Then, naupo ako sa isang tabi at nanahimik. Tapos sabi ko sa sarili ko. "Grabe Bro, Sana araw-araw palaging  ganito...Good Vibes lang".

Wednesday, February 16, 2011

What Happened Last Valentines?



What Happened Last Valentine's Day? Ayun nakipag-date ako sa crush ko sa school. No choice ata siya. Wala na atang ibang nagyaya sa kanya. haha! First thing we did ay nagpunta kami sa MOA.  Tamang HHWW lang kami sa seaside and we pretend na walang nakakakita sa amin. ;) Dahil napapagod at nagugutom rin kami, kumain kami sa isang resto. Syempre, on the way papuntang resto, tamang HHWW parin. :) Pagkatapos kumain, nanood ng sine then punta ulet kami sa seaside para naman sa sunset. Tulad ng napakaraming tao sa seaside ay magka-akbay kami habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Romantic noh? Pero lahat ng mga yan ay produkto lamang ng aking imahinasyon. hehe. Because... wala naman talaga akong ginawa espesyal nung Heart's Day. Parang isang ordinaryong araw lang ang lumipas at nagdaan...pagkatapos ng klase, uwi agad. Tapos kaen, nuod ng TV, tulog, gising, online, nuod ng TV, kaen, nuod ng TV tapos tulog ulet.

May mga nagyaya naman sa akin..group date daw sabi ng mga classmates ko. Yung isa Nuod daw ng sine. Yung isa Star City daw. Pero wala akong type samahan kaya pinili ko na lamang mag-isa. ;(
PERO KERI LANG!! :))

Friday, February 4, 2011

TIWALA.



Sobrang kinatuwa ko ang tiwalang binigay ULIT sa akin ng School at Professor ko. Grabee! I can't explain yung nararamdaman ko ng sabihan ako ng Professor ko na isasabak nila ulit ako sa isang matinding labanan.  Kahit na napahiya at natalo ako, the last time na lumaban ako.

Nang sabihan ako kanina ng professor ko about nga sa sasalihan ko. Sabi ko "Ma'am, yoko na. Natalo nga ako the last time e,". She replied.  "Ok lang yan. Ite-train kita...kahit maka-place lang...kahit 'wag na champion". Nung narinig ko yun. Grabe, parang gusto kong umiyak. I don't know why. Pero siguro dahil the last time ngang lumaban ako talagang nagkalat lang ako. At talagang na-ilagay sa kahihiyan ang school ko.

Tomorrow ang brainstorming at pagbuo ng concept namin ng partner ko. Sana may mabuong magandang resulta tomorrow. Ihihiling ko yan mamaya sa 11:11. :)

Anyways, sa March pa ang laban. And every Tuesday and Thursday ang Training.

Thursday, February 3, 2011

Hello February!


February na. At dahil dyan parang gusto kong kumanta ng...

 ♫♪ 'm looking for love this time♪♫
Sounding hopeful but it's making me cry
And love is a mystery
M*. Curiousity
Be M*. please
Do come and find me, oh
Find me, find me, me

♪♫ I'm looking for love this time ♪♫
Sounding hopeful but it's making me cry
Trying not to ask why
Cause love is mystery
M*. Curiousity
Be M*. please
Do come and find me

 
On the contrary of what I sang. I don't look or hurry in finding a new love dahil lang sa Pebrero ngayon at wala akong ka-date sa Valentines Day. Duhh... HINDI AKO NAG-IISA!! Right? ;) Daming singles out there. Hindi lang ako.sungit?

Tuesday, February 1, 2011

Midterm Exam.


Demanding. yan ang salitang mag-dedescribe sa nagdaang Midterm Exam ko. Grabe! ang demanding ng mga professors ngayon, akala mo Finals na kung mag-demand sila sa estudyante. Kung ano-anung pinapagawa. May Movie Review, may "O Captain, My Captain" at may Basketball Game pa. Ang nakakatawa pa niyan puro mga minor subjects lang naman sila. Tinalo pa ang Major Subjects kung magpa-midterm. Haixxt..

Basketball Game for P.E. Eto ang pinaka-ayaw ko. Gosh! pagawin niyo na ko ng thesis paper 'wag lang ako maglaro ng basketball. Parang awa niyo na. haha! Ewan ko ba, pero I'm not into sports talaga. Nag-eenjoy ako manuod ng mga Sports Program pero subukang gawin? the Hell NO!!

"O Captain, My Captain". This was my midterm exam for Speech Class. Reciting that poem of Walt Whitman with proper action, emotion and costume. At muntik- muntikan na kong bumagsak. I got 50 over 100. At buti na lang 50 ang passing grade pero my final score is 68. Plus 18 kasi mabait daw ako. Joke! haha! But seriously, I get plus 18 because I wear my proper school uniform always during my speech class.

"Movie Review". Eto medyo okay lang kasi madali lang naman gumawa ng movie review. yabang much. At kahapon ko lang siya ginawa at kanina ang deadline. Woohoh! I chose the movie "Milan" starring Piolo Pascual and Claudine Barretto.

On my other subjects, Talagang exam kung exam lang. Review and memorization lang. Kaya hindi medyo nakakapagod.

Wednesday, January 19, 2011

THE iamAPv.blogspot.com WEB EMPIRE


This one flatters me! HAHA!

I learned this app site via Vinvin's post. So, dahil may taglay akong pagka-inggitero. Sinubukan ko. And hindi naman ako nadismaya sa resulta. :) Natuwa pa nga ako e. HAHA!



They compared my site to a Spartan Movie' 300. At Sana next time yung movie na "Troy" naman. Tutal hindi naman nagkakalayo ang itsura namin ni Brad Pitt. diba? O, wag na umangal! HAHA!


Try niyo rin kaya. :) CLICKHERE
Kunware pa siya. HAHA!

Sunday, January 16, 2011

FIRST IN MY LIFE: Cocktail Mixing: My favorites are Martini, Sweet Martini, Cuba libre and Tequila Sunrise :)


As a HRM student, one of the subject that i'm really really looking forward is "Bar and Beverage Management" :) - because sa subject lang na 'to LEGAL ang pag-inom ng alcoholic beverages inside the school campus. Yup! dahil kailangan naming tikman ang bawat drinks. For as to know kung ano ang pinagkaka-iba ng lasa ng bawat drinks.

Last Saturday, Nagsimula na kaming mag-cocktail mixing. yeahh. The first we do is yung 40 International Mix. Pero 13 pa lang nagawa namin dahil kulang sa oras.

In all the 13 cocktail drinks, I have my own 4 favorites namely;
1. Martini - ang pinaka-common na cocktail drink. I like this one kasi masarap yung blend ng salt sa drink mismo. 


Thursday, January 13, 2011

Natututunan bang mahalin o ibigin ang isang tao?


May gusto lang akong i-share sa inyo about sa napanuod ko last sunday. Napanuod ko sa isang show na nag-dedebate ang mga guest sa isang tanong. The question goes like this... "Natututunan bang mahalin o ibigin ang isang tao?"

I should agree sa sinabi nang sumasang-ayon na love comes in 3A's- Attraction, Admiration and Affection. Ibig sabihin, kapag nakita mo isang tao ang nararamdaman pa lang natin is Attraction. Attracted tayo sa isang tao dahil sa kagandahan niya, kagisigan o kagwapuhan. And then, Kapag mas nakilala natin yung tao na yun- for example mabaet siya, magalang. So dun pumapasok ang Admiration. Until humantong sa Affection.

I strongly agree also sa audience na nagsabing "mas maganda kapag ang pagmamahalan ay natututunan kasi may development". Ibig sabihin  nag-grogrow.

Ang sabi naman ng kabilang panig, na nagsasabing hindi natutunan ang pagmamahal. Ang pagmamahal daw ay kusang nangyayare. Kapag nakita mo yung isang tao e, bigla daw titibok ang puso at booomm.. may pagmamahal na daw.

To end of this discussion, I must say that pwede nating matutunang mahalin ang isang tao at pwede ring hindi. Kumbaga it depends on the situation and also on the person. Dahil kung ayaw mo talaga sa isang tao, kahit na sabihin nating dead na dead yung taong yun sayo, at lahat ay ginagawa masuyo ka lang, e, wala siyang magagawa dahil ayaw mo sa kanya. Kumbaga, you're not attracted to her/him.

But i guess, may disadvantage ang pagsasabing hindi o sabihing biglang nararamdaman lang daw ang pagmamahal kapag nakita mo yung isang tao. The disadvantage e, pwedeng yung sinasabi mong in-love ka sa isang tao ay false alarm lang pala. Pwedeng na-cutean ka lang o nagandahan sa taong yun.

How 'bout you? Do you think you can learn to love someone?

Saturday, January 1, 2011

Looking Forward to a Great and New Experiences in 2011 !


I don't know how to begin this post. Maybe, I greet you all first a Happy New Year! :) yeah, its 2011. I don't know what i'm feeling about 2011 basta i'm supeer looking forward to it. as in.

Btw, because i'm not posting anything this last few days. So, I think i will share story, my experiences or what happened to me this holiday season.

Okay, My family and I spent both the Noche Buena and Media Noche just here in our house. This is not the usual na Noche Buena and Media Noche kasi hindi kami umuwi sa Laguna or even in Tarlac. Kaya hindi siya bongga. Wala yung mga pinsan ko, walang banda, walang karaoke at walang pamasko(pera) kaya less ang happiness. Nitong Christmas, 11:30 pa lang kumakaen na kami. Then, mga 12:30 siguro tulog na kami. HAHA!! Tapos pag-gising sa umaga. Parang wala lang. Parang walang nangyare.

Nitong kakatapos namang New Year, Sa wakas nakayanan namin ang antok at gising kami mga 'til 1:30 am. I'm watching news in Bandila. And nainggit ako nung nag-countdown sa Eastwood City in QC. Grabe!! Bonggacious! Nasabe ko nga e, parang gusto kong i-try this next new year,2012.

Anyways, Today is 1.1.11. yup! one of my favorite number is 11. Kaya feeling ko suswertehin ako this 2011 even if hindi ako belong in the year of Metal Rabbit.Pero feeling ko talaga swerte ko this 2011. feeling ko lang naman ah. :)

Again, Happy New Year Everyone !! :)

P.S.
I will change the name of my blog from 'abloggerwannabe' to 'the man who can't be moved'. Gagawa muna ko ng header for that. Thanky you!

Saturday, December 18, 2010

Please VOTE for Baguio City in Hiddencities


Na-surprised ako when I found out nang mapasama ang entry ko ,on 'hiddencities' of History Asia Channel   sa 20 shortlisted Entries. Yess!  It's my first time to join in an International Contest. Kaya big achievement ito on my part. :) So, hindi ko papahabain pa.  

PLEASE DO VOTE FOR MY ENTRY. 
DO VOTE FOR BAGUIO CITY.
Let's make Baguio City more popular than ever. Let's get the opportunity for Baguio City to be featured in History Asia Channel.

Voting is as easy as 1-2-3.
Step#1. Go to the History Asia Website.

Step#2. Click "ENTRY WITH TEXT DESCRIPTION + PHOTO"

Step#3. Look for my entry named "CITY OF PINES: The Perfect Place for all-year round". It is not hard to find my entry because it's on the last number.

Step#4. Rate my Entry for 3 Stars. Kailangang mag-light ang stars.

Step#5. Click the VOTE Button. And after that, may mag-popop-out na FORM. Kailangan pong i-fill-up po niyo un. 

THANK YOU GUYS!! :)
 Special thanks to:
manila-life.blogspot.com
mangoroyale.tumblr.com

Wednesday, December 15, 2010

My Silent Revenge. :)



Last semester was a good semester for me i think. not only because i meet new colleagues that i can trust. and also because for the reason that i got a high grades last semester. Though, hindi ko na-achieve ang plan kong "No line of 2". Yup! meron akong line of 2, hindi lang isa kung di dalawa pa. But but but... ang tataas ng grades ko in my major subjects. yabang e nuh? :)

Anyways, almost 2 years na ko in college and almost 2 years na rin ako nag-fifill-up ng "EVALUATION FORM' for the professors. I noticed na in all of my professors, binibigyan ko sila ng highest possible number which is 5. Na parang ang swerte swerte nila dahil madali nilang nakukuha yung "5" sa evaluation sheet nila. Samantalang ako, as student, ay hirap na hirap makuha nga UNO or 1 sa class card. kaya this semester, naisip ko na pahirapan ko rin sila. HAHA! Makabawi lang. :D

I'm planning to give my 4 professors ng perfect five. Kasi i liked how they teach and maunawain sila. One professor naman ang bibigyan ko ng "4" for the effort. at yung isa "failing grade" na. HAHA! I hope magbago na siya. Before magbigayan ng evaluation sheet. hihi. Dahil for sure, matitikman niya ang aking Silent Revenge.

Saturday, December 11, 2010

Viral Video: HULI KA KABET !



This is the latest viral video in the web. And I think this happened in "Market Market Mall". I'm not sure about that though. But what i'm sure of is the "Actresses and actor" on this "short film" are Filipinos. Cut my 5 fingers on my left hand if i'm wrong about that. Kelangan talaga specific kung left or right? HAHA!

Anyways, I post this video to warned all the ladies out there whom is in the "wrong situation" or sabihin na nating kabet or mistress. Na alam na nating may asawa yung boyfriend niyo e, still kumakabit pa rin kayo. Maawa kayo sa pamilyang nasisira niyo and most especially , MAAWA KAYO SA SARILI NIYO! 'wag kayong magpakababa just because of one guy.

And on my own opinion, isa sa mga pinaka-masakit na salitang pwedeng masabi to a girl/lady except the word "pokpok'is to be called KABET. So, "Don't set for a guy that will make you just a second best only, Choose a guy that will make you his "the one and only".

Saturday, December 4, 2010

WHEN A LOSER THINKS SO RANDOM...

Because I feel so loser today. And hindi ko siya ma-isigaw dito sa bahay namin lalo't gabi na. dahil for sure magugulat ang mga kasama ko dito sa bahay... ay let me release my loser feelings here. PERO I will not make you cry or what. And hindi ko rin ishashare why i feel loser today dahil that's too personal for I to share that ONLINE. And that is Errr. Grrr. nakaka-asar talaga. nakaka-bwiset kaya gusto ko na yun kalimutan.


1. I DON'T USE THE BATHROOM AT A PUBLIC PLACE.
Yeah that's true. Hindi ako gumagamit ng bathroom kapag wala ako sa bahay. parang there is a feeling na bumabalik ang ihi ko. haha! Even in my school, hindi talaga except when I'm changing my clothes or yung ihing-ihi na talaga ako. Kasi may kwento-kwento rin sa school namin na may batang multo daw sa CR ng boys. Pero hindi naman daw dun nag-iistay yung multo... sa chemistry lab. daw na which is near the boys comfort room. kaya scary talaga.

2. IT TURNS ME OFF WHEN I SEE A GIRL SMOKING!
Turn-off ang dating saken ng mga babaeng naninigarilyo. lalo na yung confidence na confidence pang magbuga ng usok at yung nilalaro pa yung usok...kung san lalabas, kung sa ilong ba o sa bibig. eeew.

3. WHEN I WAS YOUNGER, I PUT MY FACE CLOSE TO THE FAN.
Until now ginagawa ko pa rin siya pag bagot ako o wala sa wisyo. Wala lang! parang ang ganda ganda kasi ng boses ko pag ganun. haha!

4. TYPING  OUT A TWEET, AND THEN DECIDING LAST SECOND THAT IT'S NOT GOOD ENOUGH AND DELETING IT.
 Eto ang madalas ko talagang gawin. Kasi sometimes I want to share something, so i type it out. and after I finished my sentence I reread it. and minsan naiisip ko na "ishashare ko pa 'to?" and kahit hindi ko pag napag-dedesisyunan na burahin e. nabubura ko na siya. I think my hands have their own minds.

ShareThis