a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.
SEARCH THIS BLOG!
Thursday, May 5, 2011
Allan Goes to Majajay Falls !!
Last Saturday, gumala kaming buong pamilya papuntang Majajay falls sa Laguna. Pero bago ko ikwento un, ikwe-kwento ko muna yung unang beses kong marinig ang Majajay Falls. Kasi natatandaan ko pa noong freshmen college ako. Sumali ako sa Mountaineering Club ng school namen. Madali lang naman sumali, kailangan ilista mo lang yung name mo sa isang paper na nakapost sa bulletin board and that's it. Member ka na nila. haha! Ang una nga dapat pupuntahan namin e, sa Majayjay, Laguna dapat. Natatandaan ko pa umattend ako sa meeting nila at nagulat ako kase matatanda na yung mga nandun. wahaha!! though student paren sila...fourth year na ata sila nun. Tapos may mga pamphelt at parang nag-seminar na rin kung anong hindi dapat at dapat gawin kapag nasa "mission". But Unfortunately, hindi natuloy dahil may bagyo. Dalawang magkasunod na bagyo yun e,. Kaya hindi na itinuloy. Pero ang nakakatawang part... Nag-sign ako sa Mountaineering Club pero hindi sa HRM Organization kung saan una dapat akong naglista before sumapi sa ibang samahan. Yan ang mga bagay na hindi ko makakalimutan noong Freshmen ako.
Anyways, Nagpunta nga kami sa Majajay Falls. 3 Hours ang biyahe mula sa Makati. Nung marating namin yung place. Naglibot-libot muna ko at mukhang wala naman maganda o kakaiba sa lugar. Madumi yung ilog pati yung pool -puro lumot. At syempre, hindi ko napigilan ang aking bibig sa pagsambit ng mga nakakadismayang salita tulad ng "ang dumi naman". And guess what... wahaha! narinig nung caretaker ata un...ahaha! sabe niya mamaya daw lilinis rin kasi kaka-ulan lang daw. Hindi naman ako nag-react sa sinabi niya. Naglakad-lakad pa ako papuntang itaas na bahagi kasi nakita ko may nag-uumpukang tao dun pero nagmadali ako medyo sa paglalakad pero hindi ako tumakbo para hindi ako magmukhang tanga. Nung marating ko yung lugar kung saan maraming tao... may nakita akong 2 lalaking parang may tinutusok. Nilalagyan nila ng tubig yung pool gamit yung tubig mismo na umaagos galing ilog. Sabe ko sa utak ko "sus! yun lang pala...kala ko may deads na".
After nun bumalik ako ng cottage na medyo dismaya. At dinaan ko na lang sa kaen ang aking pagkadismaya. After kong kumaen, Syempre, swimming sa pool. At Grabeee. ang lamiiigg!! After mga 1 hour siguro pumunta ako sa ibang lugar, at dun ko nakita yung pinakamagandang part ng lugar. At dun ako napa-wow.
My Final Verdict: Maganda yung lugar lalong-lalo na yung falls pero yung mga facility mukhang kailangan ng malaking improvement. Pano ko nasabe? Paano ba naman nung nag-shower ako... nawalan ng water.. wahaha! at mga 15 minutes pa bago nagkaroon. Ang sabe inaayos daw. Pero enjoy naman kaya tip ko para ma-enjoy niyo rin ang stay niyo dun. Lumayo kayo sa mga Bad Vibes tulad ng CR. ahaha!!
Like me on Facebook
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
unang una, kakainggit kasi never pa kami nag out of town.. huhuhu :(
ReplyDelete2nd, dahil madumi utak ko, ang pagbasa ko sa majajay falls ay MAHALAY Falls. ahahaha
3rd, gusto ko ung mga banat mong "ang dumi naman".. "kala ko may deds na".. ang arte kasi eh! pero kung ako yan, cguro mas grabe pa sinabi ko sayo...
4th, badtrip ung shower ah, pano kung nagsasabon ka pa nun tpos nwalan ng tubig?... ay shet tlaga yun!
at panghuli, halatang enjoy ka naman sa mga pics moh... thats gud naman kasi ang purpose nyo nmn talaga ay mag enjoy... kakatuwa.. sana naman maexperience ko to. ahahaha...
inggit ako. gusto ko nang mag-out of town!
ReplyDelete@rap - hindi mo naman balak talunin ang post ko sa haba ng comments mo? wahaha!! enjoy naman syempre.
ReplyDelete@sean - pag-magaling na po kayo dun na kayo mag out-of-town.. right?
ahaha... gumaganon?... sori naman, nasobrahan ako ng daldal eh... in other words, inggit lng ako. ahahaha
ReplyDeletesana makapunta din ako dito.,
ReplyDelete@leonrap - mejo napahaba nga ung comment mo., ahahaha., parang blog entry na rin., just kidding.,
@jhay - punta ka. mura lang naman jan. mahaba nga lang ang byahe. pero sulit naman.
ReplyDelete