a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Showing posts with label Food and Travel. Show all posts
Showing posts with label Food and Travel. Show all posts

Sunday, March 25, 2012

My Verdict On MAGNUM Ice Cream


Most of my classmates are head-over-heels with the ice cream called Magnum. They even took photos of their selves licking eating that thing (and eventually, upload it to facebook *palage naman eh*). At first, I don’t know why.  Hindi ko nga alam na may ganong ice cream eh. (Ganun na ako ka-dukha dahil hindi ko alam ang mga kaganapan sa Social Landia)


So, to know why (para ma-update ako), bumili ako! HAHA! That time ko lang nalaman na may 3 flavors yang Magnum na yan. The Almonds, Chocolate Truffles at Classics. At takte! ANG MAHAL AH! 50 Pesos sa Grocery at 55 Pesos sa 7-11 Stores. #Overpriced

Among the three, my favorite is Magnum Almonds which is covered with almonds and milk chocolate and on the inside is a creamy vanilla ice cream. (kaka-umay nga lang dahil sa sobrang katamisan pero masarap naman)

My 2nd favorite is the Magnum Classics which contain Vanilla Ice Cream on the inside and covered of Belgian Chocolate. #pang-matanda. :D

Sunday, January 22, 2012

ON-THE-PLATE: Chocolate Oatmeal Cookies


I enrolled in a baking class this semester. Baking is close to my heart. Ito yung bagay na hindi ko kinapapaguran dahil masaya ako kapag ginagawa ko ‘to. 

So, since the semester has started last year, I learned to bake different bake products. First, we started icing to cupcakes then cookies. 

Ang una kong isi-share ay ang Chocolate Oatmeal Cookies which I find really delicious. Sha nga pala, mga 'masasarap' na bagay lang ang isi-share ko. :)
Chocolate Oatmeal Cookies
Ingredients:
  • 1 1/4 cup butter
  • 3/4 cup brown sugar
  • 1/2 cup white sugar
  • 1 egg
  • 1 teaspoon vanilla
  • 1 1/2 cup flour
  • 1 teaspoon baking soda
  • 1 teaspoon ground cinnamon
  • 1/2 teaspoon salt
  • 1/4 teaspoon ground nutmeg
  • 3 cups uncooked oats
  • 3/4 cup semi-sweet chocolate chips

Friday, January 6, 2012

Indeed...Its' more fun in the Philippines.




After a much-criticized 'Pilipinas Kay Ganda' and a mediocre design of 'Pilipinas Tara Na!', Department of Tourism headed by Ramon Jimenez, Jr. launched a new brand campaign to attract visitors to the country with the line - It’s more fun in the Philippines’ 

If you will look at the design it is far far far better than the ‘Pilipinas Tara Na!’ design and brainier than the ‘Pilipinas Kay Ganda’.

Thursday, December 22, 2011

Batangas Escapade: The Long Hours of Trip


Natuloy na rin ang plano naming magka-kaklase na gumala. Pero hindi sa orihinal na plano na sa Laguna. Kundi sa isang tahimik na lugar na medyo may kalayuan sa kabihasnan. Sa Canyon Cove Beach Resort sa Nasugbu, Batangas.

From Makati City to Pasay Bus Terminal. Then mula sa Pasay hanggang Nasugbu Bus Terminal ay katakot-takot na 4-5 hours ang aming naging biyahe. 

Halos ma-manhid na yung pw*t ko dahil sa matagalang pag-upo. 

'Pagdating namin sa Nasugbu Terminal, e, pag-ihi at pagkaen ang una naming inatupag. At napili naming kumaen sa Haunted Mang Inasal. Yap! Mala-haunted resto ang tema nila. Walang music tapos walang gaanong kumakaen. Kaya nung mga panahon na yun ko namiss ang walang kamatayang music ng Mang Inasal sa Makati na ♫Sa Mang-Inasal... Sa Mang-Inasal ♫♫

After kumaen, Pumara na kami ng tricycles papuntang Canyon Cove Resort. Akalaen mo, Php50.00 daw kada isang tao ang fee. Takte. 

Pero syempre, hindi kami papayag na 50 each. Kaya ang huling deal ay Php30.00. 

Habang nakasakay ako sa backseat ng tricycle. Napansin ko ang dilim at saka walang Christmas Decorations. Then mga 15 minutes nakarating na rin kami. Medyo malayo nga. hehe kaya pala mahala ng pamasahe.


'Pagbaba ko ng tricycle. Eto ang bumungad sa aken. Nakakawala ng pagod. (:

Friday, August 5, 2011

ON-THE-PLATE: Chicken Relleno (Stuffed Chicken)



Chicken Relleno. Everyone can make Chicken Relleno (Stuffed Chicken) basta alam mo lang kung paano gumamit ng oven at mag-bake... I'm sure you can do it. It will only cost you not more than 600 pesos yet you can serve this dish for 10-12 persons.

Ingredients:

For the chicken


1 whole chicken, washed and deboned

1½ teaspoons soy sauce

1 teaspoon lemon juice

salt and pepper, to taste

Thursday, May 5, 2011

Allan Goes to Majajay Falls !!


Last Saturday, gumala kaming buong pamilya papuntang Majajay falls sa Laguna. Pero bago ko ikwento un, ikwe-kwento ko muna yung unang beses kong marinig ang Majajay Falls. Kasi natatandaan ko pa noong freshmen college ako. Sumali ako sa Mountaineering Club ng school namen. Madali lang naman sumali, kailangan ilista mo lang yung name mo sa isang paper na nakapost sa bulletin board and that's it. Member ka na nila. haha! Ang una nga dapat pupuntahan namin e, sa Majayjay, Laguna dapat. Natatandaan ko pa umattend ako sa meeting nila at nagulat ako kase matatanda na yung mga nandun. wahaha!! though student paren sila...fourth year na ata sila nun. Tapos may mga pamphelt at parang nag-seminar na rin kung anong hindi dapat at dapat gawin kapag nasa "mission". But Unfortunately, hindi natuloy dahil may bagyo. Dalawang magkasunod na bagyo yun e,. Kaya hindi na itinuloy. Pero ang nakakatawang part... Nag-sign ako sa Mountaineering Club pero hindi sa HRM Organization kung saan una dapat akong naglista before sumapi sa ibang samahan. Yan ang mga bagay na hindi ko makakalimutan noong Freshmen ako.

Anyways, Nagpunta nga kami sa Majajay Falls. 3 Hours ang biyahe mula sa Makati. Nung marating namin yung place. Naglibot-libot muna ko at mukhang wala naman maganda o kakaiba sa lugar. Madumi yung ilog pati yung pool -puro lumot. At syempre, hindi ko napigilan ang aking bibig sa pagsambit ng mga nakakadismayang salita tulad ng "ang dumi naman". And guess what... wahaha! narinig nung caretaker ata un...ahaha! sabe niya mamaya daw lilinis rin kasi kaka-ulan lang daw. Hindi naman ako nag-react sa sinabi niya. Naglakad-lakad pa ako papuntang itaas na bahagi kasi nakita ko may nag-uumpukang tao dun pero nagmadali ako medyo sa paglalakad pero hindi ako tumakbo para hindi ako magmukhang tanga. Nung marating ko yung lugar kung saan maraming tao... may nakita akong 2 lalaking parang may tinutusok. Nilalagyan nila ng tubig yung pool gamit yung tubig mismo na umaagos galing ilog. Sabe ko sa utak ko "sus! yun lang pala...kala ko may deads na".

After nun bumalik ako ng cottage na medyo dismaya. At dinaan ko na lang sa kaen ang aking pagkadismaya. After kong kumaen, Syempre, swimming sa pool. At Grabeee. ang lamiiigg!! After mga 1 hour siguro pumunta ako sa ibang lugar, at dun ko nakita yung pinakamagandang part ng lugar. At dun ako napa-wow.

ShareThis