a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.
SEARCH THIS BLOG!
Wednesday, May 18, 2011
Reproductive Health Bill
Today is the start of the big debate about the most-controversial and most-talked about bill, the Reproductive Health Bill/RH Bill aka Responsible Parenthood Bill /RP Bill.
Ano nga ba ang goal ng RH Bill?
Base sa aking pagkakaalam at 'sariling' pagkakaunawa, RH Bill aims to improve maternal health as well as family planning to help alleviate poverty in the country. RH Bill also promotes usage of condoms and other contraceptives available in the market. In Addition, RH Bill doesn''t encourage abortion.
Dahil ayon na rin sa mga naglalabasang statistics madaming ina ang namamatay dahil sa hindi tamang pagbubuntis/ panganganak o hindi malusog ang pagbubuntis at dahil na rin yan sa kahirapan at kawalan ng kaalaman ng mga ina sa tamang pagbubuntis.
MY STAND: I Support Reproductive Health Bill dahil wala akong nakikitang masama kung magiging batas ito dahil Una, Hindi ba't mas magandang isipin na ang isang sanggol ay ipinaganak base sa plano ng kanyang pamilya dahil tulad sa isang proyekto - kapag mas planado ang isang bagay ang resulta ay mas maganda kesa sa hindi pinagpalanuhan. Pangalawa, Kung pagmamasdan nating maigi ang mga batang-kalye na palaboy-laboy sa mga kalsada, madumi ang mga suot nila at halatang gutom na gutom sila. Hindi ba natin naiisip na oo nga...buhay sila... ipinaganak sila ng kanilang mga ina... ngunit kahirapan naman ang bumungad sa kanila. Sana kung lahat ng Pamilyang Pilipino ay kasing-yaman ng Anti-RH Bill Advocate/ Sawsawero na si Manny Pacquaio. Kung ganon ang eksena ay "Go out to the world and multiply" ika nga niya. At panghuli, hindi ito nag-propromote ng abortion. Period!
Ang kinakatakutan ko lang sa pagpasa ng RH Bill na ito ay kung paano ipapamahagi ang mga pondo dahil baka pagmulan na naman ito ng corruption. Kaya dapat i-ensure rin ng mga congressmen and Senators na walang mangyayaring korupsyon sa pagpapa-implement ng RH Bill kung saka-sakali.
PS: Ang tamang sinabi ng Diyos sa bibliya ay "Go Forth and Multiply" at hindi ang sinabi ni Manny Pacquaio na "Go out to the world and Multiply" na parang nagsasabi na "Sige, lumabas kayo sa mundo, pumunta kayo sa Mars, Neptune, Saturn, Jupiter at magpakarami kayo!" LOL. Just kidding. 'Wag pikon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
abno ka talaga... ok na sana, kaso biglang sumingit ung mga planets sa last part.. ahaha.. basta galing kay pacman nakakatawa talaga...
ReplyDeletei support RH bill as well. batas man yan o hindi, dapat nasa isip na din ng tao yan eh... sa tao dapat magsimula ang responsiblity nila sa tamang pagsex. ahahaha.. ay sory, sa tamang family planning pala.. masyadong lantaran ang salitang sex na ginamit ko. ahahaha
wahaha! kasi si pacman e, pinapatawa na naman ako. ANTi-RH daw siya. LOL
ReplyDeletedi naman mahalay ang salitang SEX.
SEX! SEX!SEX!SEX!SEX!SEX!SEX!
o, mahalay ba yun? :)