a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.
SEARCH THIS BLOG!
Showing posts with label summer. Show all posts
Showing posts with label summer. Show all posts
Monday, April 11, 2011
Summer na !! :)
Ngayon-ngayon lang pumasok sa aking isipan na summer na pala. Tag-araw na pala, akalaen mo un...Summer ang pinaka-gusto kong season sa Pilipinas. Dahil una, pag-summer...alam na.. wala nang pasok! tulog, gala , kaen, tulog na lang ang ginagawa nameng mga estudyante. Pero hindi ko naman nilalahat ang mga estudyante na kaen, tulog lang ang ginagawa kapag summer dahil yung iba nag-susummer job, Palakpakan natin sila!! Whoaa! Ang mga masasabe ko lang sa inyo, sa inyong mga estudyante na nag-susummer job... "Kayooo naa!! Kayooo na ang masisipag!! aat ako na ang tamad! " pero OK lang yun sabe nga "di bale nang tamad, di naman pagod". haha!
Grabe, hindi ko talaga ma-take mag-summer job. feeling ko, summer na nga lang ang pahinga ko, pati ba naman sa mga panahon na yun, papagurin ko pa rin ang sarili ko?! And besides, next summer...ramdam ko... ramdama na ramdam ko, wala akong summer vacation. OJT na namen!! Well, my school reminded me about it. KJ talaga ng school noh? next summer pa yun, pero sinabe na agad nila. mga excited lang e,.
BTW, kapag summer masarap kumanta, ewan ko kung baket, siguro dahil kahit gaano kapanget ng pagkanta mo, still, malabo pa rin ang pag-ulan dahil tag-araw nga.
Subscribe to:
Posts (Atom)