a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Friday, March 11, 2011

Let us all Pray for Japan, the Philippines and the other countries.


Itinaas na ng PHIVOLCS ang tsunami alert sa Pilipinas sa Level 2, ilang oras pagkatapos yanigin ang Northern Japan ng 8.8 Magnitude quake.

Inaasahang mga bandang 5:00 to 7:00 PM ngayong araw, biyernes, magaganap ang unang bugso ng tsunami waves na tatama sa mga isla/ lalawigan ng Pilipinas na nakaharap sa Pacific Ocean. Ang mga Probinsiyang tinitignan ay ang mga sumusunod:

1. Batanes Group of Islands
2. Cagayan
3. Ilocos Norte
4. Isabella
5. Quezon
6. Aurora
7. Camarines Norte
8. Camarines Sur
9. Albay
10. Sorsogon
11. Northern and Eastern Samar
12.Leyte
13. Southern Leyte
14. Surigao Del Norte
15. Surigao Del Sur
16. Davao Oriental
17. Davao del Sur
UPDATE:
*if you have relatives in Japan, the DFA has a hotline you can call for anything related to the earthquake: 028344646 OR POEA (02)7221155
*Google Person Finder available after earthquake in Japan to help you get information about loved ones.

Samantala, ipagdasal natin ang kaligtasan ng mga Pilipino at ibang lahi na naapektuhan sa Japan at sa mga taong maaapektuhan sa Pilipinas at sa iba pang bansa.


PHOTO COURTESY: 
abs-cbnnews.com

Wednesday, March 9, 2011

Olats.

I joined the recently concluded "Chef on Parade" participated by 13 campuses. I represent my campus on the "Cake-Decorating Battle" and the result... haha! OLATS. Waley na naman ako for the second time.

After I finished my work, nag-ikot ikot ako, tinignan ko yung gawa ng mga kalaban ko and may nakita akong di kagandahang gawa at may nagpa-wow naman sa akin.
I like this one for the elegance at perfect ang cake niya ah. Walang imperfection, unlike sa iba na may nahalata akong imperfections o pagkakamali.Yung gumawa nga lang ang may imperfection. may attitude si ate. haha! Nakisaksak na nga lang sa extension namen ng walang paalam. Sila pa ang nagalit nung nasangge.
Gusto ko naman etong Cake design na 'to for Creativity. And I must say super-talented ng gumawa nito. grabe. Nilapitan ko yung gawa niya. Supeerr Pulido.At yung gumawa pa e, medyo mabaet kasi hindi siya nagsasalita. Ngumingiti lang. hehe. Gusto ko sanang itanong kung pipi ba siya. joke.

At syempre hindi pwedeng matapos ang blog entry na 'to na hindi ko pinapakita ang aking gawa. Kaya eto na siya.

Sunday, March 6, 2011

Videos Worth the Watch: "Mara Clara", "Marcelito of PGT", "Lady Gaga and Maria Aragon Duet"









Ang daming video na pinag-pipiyestahang ngayon ng mga netizens. Ang ilan ay:








Una sa lahat ng una, Ang video na 'to ng Batang babae na apektadong apektado sa pagkamatay ni Mara sa seryeng "Mara Clara" (ABS-CBN). Grabeeh!! makaiyak naman yung bata parang wala ng bukas. Gusto atang maging 3rd Generation na mag-reremake sa "Mara Clara". Gusto rin niya atang makatikim ng sampal. 








Second video ay ang "Pilipinas Got Talent" Auditonee na si "Marcelito". Pinagpipyestahan hanggang ngayon si Marcelito sa iba't ibangwebsite like Facebook. Dahil sa Pagkanta niya gamit ang female voice. "Marcelito" also trends last night sa Twitter Worlwide. His name lands on 6th position I think. Tinalo niya pa ang trending rin na "Pilipinas Got Talent" na nasa 10th place lang kagabe sa Twitter Trending Worldwide.








Pangatlong Video ay ang Duet ni Lady Gaga at Fil-Canadian na si Maria Aragon. They sang the latest single of Lady Gaga "Born this way". Naaalala ko sa video na 'to si Charice whom also had a duet with her idol Celine Dion



Saturday, March 5, 2011

Taking Exams. Check !



I'm Back! I'm done taking all my exams this week. And the result? Hmmm.. It's fine. not better than the result i got last exam. But wala naman bagsak kaya... Choks na! Bawi na lang sa Finals. :)

Pinakamahirap na exam this week ay "Accounting". Grabee! Top notcher talaga ang Accounting subject sa pagpapahirap sa mga estudyante. Ang pinakamadali naman ay "Filipino" at "Economics". Ang Pinaka-nakakainis naman ay ang "Speech". Mag-declaim ba naman kami ng "Vengeance is not ours, It's God's". And with matching pulube costume. I'll share some pictures tungkol sa "Vengeance" na yun...Soon! :) Medyo inaatake ako ng katamaran ngayon na  mag-upload. hehe.

Sunday, February 27, 2011

Unexpected Farewell


 

Sumakabilang-buhay na ang aming aso kanina. :( Pangatlong aso namin siya. At siya lang ang aso naming madaming pangalan, My pamangkins called her "Aira" while My mother and my brother used to call her "Mata", because of his big eyes. Ako ang tawag ko sa kanya "Pitgirl" -derived from his breed na "Pitbull" at dahil babae siya kaya naging "Pitgirl"

Hindi namin ini-expect na mamatay siya agad agad. Kasi medyo malakas pa siya though may sakit nga siya. 

Ang nakakaiyak pa. Hinintay niya lang si Mama na dumating galing sa mall bago siya namatay. :(( Si Mama kasi ang super-close kay "Pitgirl/Mata/Aira".

Sabi ni Papa when he heard about the death of Pitgirl, "Ganyan talaga". My father is planning na i-punta na si Pitgirl sa veterinarian on Monday kapag hanggang ngayong araw hindi pa rin siya gumaling. Pero an unexpected happened.

Anyways, Thank you kay Pitgirl for almost a year na inilagi niya with my family. Sabi nga "Lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan"

Friday, February 25, 2011

Spread Happiness ! ;)




This video simply puts a big smile on my face. Seeing my fellow countrymen so happy and  appreciative for what they've received..kahit na sabihing 'maliit na bagay' (well, except for lechon) lang naman ang natanggap nila. But still, masayang-masaya pa rin sila. This video truly shows that Filipinos are one of the happiest people in the universe.

Spread Happiness! ;)

Tuesday, February 22, 2011

I feel better now


Hindi masyadong naging maganda ang mga kaganapan sa aking buhay after kong mag-blog about Good Vibes.

FRIDAY = GOOD VIBES
SATURDAY = IRRITATING
SUNDAY = GALIT
MONDAY = INIS

Last Sunday ang pinaka-climax ng Bad Vibes. Nasaktan ako ng isang taong i used to call a friend, nang patalikod akong siraan sa ibang tao. Magsabe ng mga hinanakit niya sa akin sa ibang tao. Nung nalaman ko yun, Grabe... Parang nasaksak ako ng isang-daang beses or more than that. I never expect na isang kaibigan pa ang sisira sa akin. I think magiging mas magaan siguro para sa akin na yung hindi ko kaibigan ang sumira o manira sa akin ng patalikod...pero hindi e, kaibigan ko pa... P*cha talaga!

Kung feeling mo na-offend kita sa mga salita ko. Then, ano ba naman yung sabihin mo sa akin? At in the first place, may magagawa ba ang ibang tao kung feeling mo nga na-ooffend kita? Sus. Hindi na tayo mga Grade Schoolers para umasta ng mga ganyang bagay. If you have a problem with me, then say it to my face!! 

Kahapon ko pa dinadamdam ang mga nangyare. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pero I feel better now...I should say.

ShareThis