a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Showing posts with label Sharon Cuneta. Show all posts
Showing posts with label Sharon Cuneta. Show all posts

Tuesday, May 22, 2012

Sharon Cuneta is on a career suicide, says Direk Joey Reyes



Last week I blogged about celebrities who stopped using twitter because they can't anymore stand people bashing them. [ read story here ] Pero unlike Angel Locsin, Sarah Geronimo and Kris Aquino, Sharon Cuneta, on the other hand, is still using twitter even if she always received hate messages through the said social media platform.

Hindi natin masisisi si Sharon kung magpatuloy siya sa pagsagot sa mga bashers niya. Kasi she's only defending herself and siguro hindi niya ma-take na hayaan lang ang mga taong ito na siraan siya at magsabi ng masasamang salita laban sa kanya.

But Sharon should still consider to quit on twitter because wala siyang mapapala sa mga basher niya samantalang ang mga basher niya ay may mapapala sa kanya dahil aminin man natin o hindi... ang sarap ng feeling na nag-rereply (o pumapatol) sa tweet mo ang isang Megastar. Right?

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)

Isa si Direk Jose Javier Reyes sa mga nagpahayag ng reaksiyon hinggil sa latest Twitter issue na kinasasangkutan ng Megastar na si Sharon Cuneta at isang PR-executive ng ABS-CBN.

Ang nasabing tweet ay may kinalaman sa anak ni Sharon na si KC Concepcion, kung saan inihayag ng network PR official, bilang reaksiyon sa isang tagapagtanggol ni KC, ang umano'y nalalaman niyang "baho" ng anak ni Sharon.

Maraming magkakasunod na tweets ni Sharon ang naging "sagot" sa alegasyon ng taga-network.

Ikinalungkot ng direktor na si Joey Reyes ang pangyayaring ito

"Sobrang nalulungkot ako," simula ni Direk Joey na nag-message sa PEP.ph sa pamamagitan ng social networking site na Facebook.

ShareThis