a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Saturday, December 24, 2011

All I Want For Christmas Is ...



All I Want For Xmas Is.... YOU! hehe.  Pero actually, hindi lang tuwing christmas kita gusto.. gusto na kitang makasama FOREVER! Swear! :D Ayun e, kung gusto mo rin akong makasama. 

If only things are not that complicated. I would choose to be with you... right beside you. Ako na Feelingero

Thursday, December 22, 2011

Batangas Escapade: The Long Hours of Trip


Natuloy na rin ang plano naming magka-kaklase na gumala. Pero hindi sa orihinal na plano na sa Laguna. Kundi sa isang tahimik na lugar na medyo may kalayuan sa kabihasnan. Sa Canyon Cove Beach Resort sa Nasugbu, Batangas.

From Makati City to Pasay Bus Terminal. Then mula sa Pasay hanggang Nasugbu Bus Terminal ay katakot-takot na 4-5 hours ang aming naging biyahe. 

Halos ma-manhid na yung pw*t ko dahil sa matagalang pag-upo. 

'Pagdating namin sa Nasugbu Terminal, e, pag-ihi at pagkaen ang una naming inatupag. At napili naming kumaen sa Haunted Mang Inasal. Yap! Mala-haunted resto ang tema nila. Walang music tapos walang gaanong kumakaen. Kaya nung mga panahon na yun ko namiss ang walang kamatayang music ng Mang Inasal sa Makati na ♫Sa Mang-Inasal... Sa Mang-Inasal ♫♫

After kumaen, Pumara na kami ng tricycles papuntang Canyon Cove Resort. Akalaen mo, Php50.00 daw kada isang tao ang fee. Takte. 

Pero syempre, hindi kami papayag na 50 each. Kaya ang huling deal ay Php30.00. 

Habang nakasakay ako sa backseat ng tricycle. Napansin ko ang dilim at saka walang Christmas Decorations. Then mga 15 minutes nakarating na rin kami. Medyo malayo nga. hehe kaya pala mahala ng pamasahe.


'Pagbaba ko ng tricycle. Eto ang bumungad sa aken. Nakakawala ng pagod. (:

Thursday, December 15, 2011

Signs na Malapit na ang Pasko



isang sign na malapit na ang pasko...e, kapag nabubutas na ang bulsa mo. just like me! mabubutas na! malapit na malapit na! :D pero ayos lang! basta sa masaya't nakakabusog na bagay siya nauubos. ((: 

isang sign na malapit na ang pasko... kapag kaliwa't kanan ang christmas parties. eto yung nakaka-miss talaga ang umattend ng christmas party. tanda ko pa nung highschool, kapag christmas party lahat ng estudyante e  pa-bonggahan ng damit na suot-suot -- bagong damit, bagong shoes, bagong gupit at bagong ligo. hehe. kasi lahat sila gustong manalong 'fashionista of the year'. haha!

isang sign na malapit na ang pasko... kapag everyone is preparing gifts para sa mga inaanak nila. kaya naman may suggerstion ako sa mga ninang at ninong dyan out there. gumawa kayo ng rules and regulation just like this:

Monday, December 12, 2011

12.12.11: Celebrating 2 Years Of Blogging !



2 YEARS OF BLOGGING?  who would think that this blog would still exist after 2 years ? kahit ako hindi makapaniwala na tumagal ito ng 2 years. because blogging is not really my passion naman nung ginawa ko 'tong blog na 'to nung december 2009. 

i made this blog for fun and experiment nahh...kill me !... i'am a liar !. the truth is ginawa ko 'tong blog na 'to because na iinggit ako sa ibang blogger at tingin ko cool ang may blog. so, dun nag-start ang idea ko na gumawa rin ng blog. kumbaga, nagsimula ang lahat dahil sa inggit. Galing e noh? :)

as of this moment, wala pa naman akong pinagsisisihan na gumawa ako ng blog. dahil from the past 2 years hindi ko naman naramdaman na na-invade ang privacy ko. hindi ko rin naman naramdaman na na-harass ako. at higit sa lahat, wala namang nagtangkang kumitil ng aking buhay dahil sa blog na 'to.

Wednesday, November 16, 2011

Signing Off



I was been Hiatus for a week or two... or threes maybe. And on that vacation I came to a realization that my blog is not anymore entertaining or in other words. It is boring… or no sense at all. And also, Napansin ko na my recent post wasn’t ME at all. Kumbaga, ‘May-Ma’ lang. May-Ma-ipost lang.

So, because of that I decided to have a break first on blogging. I want to freshen’ up my mind - myself. So that I can think of a new idea that will (hopefully) produced new good blog entries. *Crossing my Fingers.

So for now, I will bid a goodbye!

See on 12.12.11 as I will re-launch my blog. A blog that is more alive & more entertaining. Or to conclude a blog that is ME.

PS. 
I already changed my Blog URL to allanistheman.blogspot.com :)


Monday, November 7, 2011

Nothing To Worries



My Grades for 2011 (1st semester)


My worries had faded away…after I’ve seen my grades for the last semester. A relief! 

Hindi ako bagsak sa Business Statistics. Yeah! I was worried kasi I only got 80% sa final exam sa statistics kaya nakaramdam ako ng pag-aalala na baka nga bumagsak ako. Kung hindi niyo naitatanong, I failed my midterm exam for that subject and when I say FAIL, bagsak na bagsak talaga. I only got 20 points out of 70 item exam. Shame noh? Kaya ang goal ko is 90% up ang final exam para makabawi (40% kasi ng total grade ang final exam kaya ayun ang hihila pataas ng grades) Kaso nga, 80% lang ako. Kaya parang 50-50 ang nararamdaman ko.

Monday, October 24, 2011

Maasinhon Trio is named Pilipinas Got Talent Grand Winner


Maasinhon Trio


Maasin City’s Representative(s) Maasinhon Trio was named Pilipinas Got Talent Grand Winner. They bagged the 2 Million Pesos Cash Prize. On the other hand, Khalil Ramos ranked 2nd and Bringas Brothers finished 3rd.

Fearless Commentary.
I was shocked last night, during the announcement of the Top 3 kasi hindi nakapasok yung pambato kong El Gamma Penumbra ng Batangas. Parang hindi ako makapaniwala. At napansin ko puro singers na naman ang nasa Top 3. Kaya malamang sa malamang, Singer ulet ang mananalo sa Season 3 na ‘to ng PGT. #KailanganSingerNaLangPalage 

ShareThis