a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Wednesday, March 30, 2011

"Pack Lunch" & "Maputi Lang"


I have been quite busy these past few weeks. Grabe! yung iba nagbabakasyon na. Ako natataranta palang sa mga exams and research papers na kailangang tapusin. pero ok lang...masaya pa rin naman ako :)

Hindi rin ako nakapag-blog for a long time. Kaya magkwe-kwento na lang ako ng mga nakakatawa at nakakaasar na pangyayari saken nitong mga nakaraang araw.

Simulan natin sa PACK LUNCH
Monday morning yun. Nakasakay ako sa jeep papuntang school. Huminto yung jeep tapos may sumakay na dalawang babae sa may tapat ng Mapua, pero hindi sila ata mga estudyante ng Mapua kasi medyo may edad na sila. mga nasa 26 - 27 years old na sila kung titignan. Magkatapat sila ng upuan. Yung isa katabi ko. E di nag-usap sila.

Girl 1: Saan kayo kumakaen kapag lunch break?
Girl 2: Pack Lunch lang ako.
Girl 1: Saan yun? (amp.wahahaha!!)
Girl 2: May baon ako.

Haha. Parang gusto kong tumawa ng malakas that time. pero pinigilan ko yung sarili ko. wahaha! Nakakatawa kasi yung pagkatanong niya ng "Saan yun?"..parang curious na curious siya. :)
_______________ ...

#2 MAPUTI LANG.

Sunday afternoon, nagpagupit ako. Syempre, naglakad lang ako dahil sa wala naman akong kotse diba. Lakad ako ng lakad. Hanggang may natanaw akong 3 babaeng nagkwekwentuhan. Yung babaeng naka-green tumigin saken. Tapos next naman yung pink. Dun pa lang napagtanto ko na...na pinaguusapan nila ako. So, nung padaan na ko sa tapat nila sinabi nung nakakulay green na "Maputi lang". Wahaha! And I know she is referring to me. wahaha! napangiti lang ako sa sinabi niya. :) Kasi at last nalaman kong maputi ako. hihihi
_______________ ...

End of post. 
Madame pa kong dapat tapusin. hanggang sa susunod. :)

Comments
4 Comments

4 comments:

  1. lol sa pack lunch. bitter lang yung nagsabing maputi ka lang. di mo kasi pinansin hehe.

    ReplyDelete
  2. ahahaha... tagal mo ngang nawala ah... bakasyon na nga nung iba wawa naman kayo... parang alam ko ung mapua sa makati... sa makati nga ba yan?

    natawa ako dun kay ateng pack lunch. comedy sya infairness... at dun sa 2nd story moh, bakit no comment ung isang girl eh 3 sila dba?... IKAW NA MAPUTI!!! SIGE KAW NA!!!!! ahahahaha

    ReplyDelete
  3. natawa din ako sa pack lunch ang bright naman ni ate

    ReplyDelete
  4. @sean - wahaha. super nakakatawa talaga yung eksena na un. pero pinigilan ko ang tawa ko para di ma offend yung girl.

    @leonrap - yup! last week na nagsimula yung vacation ng iba. ako, ngarag sa mga exams.

    ou. mapua makati un.

    ahaha. kailangan ba lahat may reaction? wahaha. dinaanan ko lang naman sila. AKO NA TALAGA! :)

    Naka ngiti pa nga akong naglalakad e, hindi talaga sila na-attract sken. wahaha! choosy sila. wahaha!

    @hard2getxxx - tamaa!! ang bright bright niya. :D

    ReplyDelete

Your opinion is valuable. Share your thoughts. Ask and I Will Reply.

ShareThis