a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.
SEARCH THIS BLOG!
Thursday, February 3, 2011
Hello February!
February na. At dahil dyan parang gusto kong kumanta ng...
♫♪ 'm looking for love this time♪♫
Sounding hopeful but it's making me cry
And love is a mystery
M*. Curiousity
Be M*. please
Do come and find me, oh
Find me, find me, me
♪♫ I'm looking for love this time ♪♫
Sounding hopeful but it's making me cry
Trying not to ask why
Cause love is mystery
M*. Curiousity
Be M*. please
Do come and find me
On the contrary of what I sang. I don't look or hurry in finding a new love dahil lang sa Pebrero ngayon at wala akong ka-date sa Valentines Day. Duhh... HINDI AKO NAG-IISA!! Right? ;) Daming singles out there. Hindi lang ako.sungit?
Tuesday, February 1, 2011
Midterm Exam.
Demanding. yan ang salitang mag-dedescribe sa nagdaang Midterm Exam ko. Grabe! ang demanding ng mga professors ngayon, akala mo Finals na kung mag-demand sila sa estudyante. Kung ano-anung pinapagawa. May Movie Review, may "O Captain, My Captain" at may Basketball Game pa. Ang nakakatawa pa niyan puro mga minor subjects lang naman sila. Tinalo pa ang Major Subjects kung magpa-midterm. Haixxt..
Basketball Game for P.E. Eto ang pinaka-ayaw ko. Gosh! pagawin niyo na ko ng thesis paper 'wag lang ako maglaro ng basketball. Parang awa niyo na. haha! Ewan ko ba, pero I'm not into sports talaga. Nag-eenjoy ako manuod ng mga Sports Program pero subukang gawin? the Hell NO!!
"O Captain, My Captain". This was my midterm exam for Speech Class. Reciting that poem of Walt Whitman with proper action, emotion and costume. At muntik- muntikan na kong bumagsak. I got 50 over 100. At buti na lang 50 ang passing grade pero my final score is 68. Plus 18 kasi mabait daw ako. Joke! haha! But seriously, I get plus 18 because I wear my proper school uniform always during my speech class.
"Movie Review". Eto medyo okay lang kasi madali lang naman gumawa ng movie review. yabang much. At kahapon ko lang siya ginawa at kanina ang deadline. Woohoh! I chose the movie "Milan" starring Piolo Pascual and Claudine Barretto.
On my other subjects, Talagang exam kung exam lang. Review and memorization lang. Kaya hindi medyo nakakapagod.
Friday, January 28, 2011
Underpass. Overpass. Saan ang mas mabilis?
Today, sinadya kong pumasok ng maaga kahit alam kong wala kaming klase sa umaga. Para makapag-review. 'Pag pasok ko sa classroom, Aba! Medyo madami sila. umupo ako sa likuran kung saan ako madalas maupo.
"Nag-underpass ako para mabilis", yan ang aking narinig sa aking kaliwang bahagi kung saan naroroon ang mga classmates kong lalake. Tatlo sila. Mukhang malalim ang kanilang pinag-uusapan. At dahil ako'y chismoso sa salita, at sa gawa. ay hindi ko naiwasang makinig sa kanila. Pero ako'y hindi nagpapa-halata.
Tapos narinig ko."Nag-overpass din ako pero di ko type kasi mabagal". At hindi ko napigilan ang aking bibig na magtanong. "Panong naging mabagal sa overpass e, pareho lang nman sila ng underpass?". Tapos nagtawanan silang tatlo. Hindi ko alam kung baket. Tapos yung isa kong classmate paulet ulet niyang sinabing overpass-overpass. tapos nabasa ko sa mata niya ang kahulugan. napamura ako sa aking nalaman.
Willie Revillame outburst on his show against John Estrada and Randy Santiago
Last wednesday on his show "Willing Willie", Willie himself outburst
Thursday, January 27, 2011
Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Randy Santiago and John Estrada topbill new noontime show of ABS-CBN
UPDATE: Sam Milby and Melai Cantiveros will join to co-host.
Push.com.ph, an ABS-CBN Entertainment News Site, announced through twitter that ABS-CBN will have a new noontime show. To be topbilled by Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Randy Santiago and John Estrada. Meanwhile, If John Estrada accepted the hosting job in Kapamilya Network. ibig sabihin ba nito aalis na siya sa Kapatid Network at isinuko na niya ang mga comedy shows niya sa Singko? or TV5 allowed him to do the hosting job in the Kapamilya Network basta hindi siya mawawala sa mga shows nito sa singko?
Anyway, Push.com.ph didn't reveal the name of the new noontime show yet. Are you excited?
Wednesday, January 26, 2011
(EDSA Buendia) Bus Explosion
Isa na namang nakakalungkot na pangyayari ang naganap kahapon sa ating bansa. The Bus Explosion. Nagulat ako na pati Bus na may rutang para dito lang sa Metro Manila e, pinapasabog na rin? Dati yung mga bus na may ruta o papuntang probinsya lang. Tapos dati, MRT lang pinapasabog... ngayon pati bus?? kaya di na ko magtataka kung pati "kuliglig" pinapasabog na rin.
Anyways, kanina pauwe from school. I ride in bus na madalas ko namang gawin. At kapansin-pansin na alerto na ang konduktor. Tuwing may bababa, He keeps on saying "Oh, tignan yung katabi baka may naiwang gamit!!". That means, they are watching news.
Kaya to everyone, Mag-ingat tayo. Dahil naglipana na ang mga masasamang tao na naghahasik ng lagim. At gustong ubusin ang lahi ng mababait. :) On a serious note: Ikaw, Mag-ingat ka! Pwedeng mangyare sa kahit sino man ang ganito.
Wednesday, January 19, 2011
THE iamAPv.blogspot.com WEB EMPIRE
This one flatters me! HAHA!
I learned this app site via Vinvin's post. So, dahil may taglay akong pagka-inggitero. Sinubukan ko. And hindi naman ako nadismaya sa resulta. :) Natuwa pa nga ako e. HAHA!
They compared my site to a Spartan Movie' 300. At Sana next time yung movie na "Troy" naman. Tutal hindi naman nagkakalayo ang itsura namin ni Brad Pitt. diba? O, wag na umangal! HAHA!
Try niyo rin kaya. :) CLICKHERE
Kunware pa siya. HAHA!
Subscribe to:
Posts (Atom)