a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Wednesday, February 1, 2012

Single Awareness Month

Pebrero na naman. Ang buwan na pinaka-ayaw ng mga single sa kadahilanan na puputaktihin na naman sila (sila lang?) ng mga katanungan tungkol sa kung sino valentines' date nila at kung bakit single sila.
This is also the EMO Month ng mga single. Yung haharap sila sa salamin tapos tatanungin nila yung sarili nila:

'Panget ba ako? Bakit walang nagkakagusto sa akin? Bakit wala akong GF/BF? Bakit yung mga kaibigan ko may syota ako wala? Bakeeeeettt?!! '

Tapos meron rin mga single na pipilitin nilang magka-GF/BF before Valentines  para masabi lang na may-date sila...para masabing IN sila.. HAHA

Sa lahat ng mga single out there. DON'T PRESSURE YOURSELF! ano naman kung single ka sa Buwan ng Pag-ibig? Bakit mamamatay ka?!! May Shoot-to-Kill order na ba ang gobyerno sa mga taong walang jowa ngayong Pebrero? i don't thinks so. tsk tsk.


So, I suggest. i-enjoy niyo lang ang pagiging single. 'wag kayong mawalan ng pag-asa. Maniwala kayo na someday, darating rin yung taong para sa inyo. yung taong naka-tadhana para sa iyo. yung taong masasabihan mo ng totoong 'i love you'. yung taong valentine date mo forever.

Don't Lose Hope!  :)

Love looks not with the eyes, but with the mind,
And therefore is winged Cupid painted blind.

-- Willian Shakespeare



..

Comments
2 Comments

2 comments:

  1. kelan ka pa naging dr. love? hahaha. o kaya papa jack, is that you?! lol

    ReplyDelete

Your opinion is valuable. Share your thoughts. Ask and I Will Reply.

ShareThis