a must-read blog of a simple college guy who dreaming big in life. his blog deals with talks about sports, entertainment, food, travel and his personal life. - It started as a hobby until it become part of his life.

SEARCH THIS BLOG!

Showing posts with label A Day In My Life. Show all posts
Showing posts with label A Day In My Life. Show all posts

Wednesday, November 16, 2011

Signing Off



I was been Hiatus for a week or two... or threes maybe. And on that vacation I came to a realization that my blog is not anymore entertaining or in other words. It is boring… or no sense at all. And also, Napansin ko na my recent post wasn’t ME at all. Kumbaga, ‘May-Ma’ lang. May-Ma-ipost lang.

So, because of that I decided to have a break first on blogging. I want to freshen’ up my mind - myself. So that I can think of a new idea that will (hopefully) produced new good blog entries. *Crossing my Fingers.

So for now, I will bid a goodbye!

See on 12.12.11 as I will re-launch my blog. A blog that is more alive & more entertaining. Or to conclude a blog that is ME.

PS. 
I already changed my Blog URL to allanistheman.blogspot.com :)


Monday, November 7, 2011

Nothing To Worries



My Grades for 2011 (1st semester)


My worries had faded away…after I’ve seen my grades for the last semester. A relief! 

Hindi ako bagsak sa Business Statistics. Yeah! I was worried kasi I only got 80% sa final exam sa statistics kaya nakaramdam ako ng pag-aalala na baka nga bumagsak ako. Kung hindi niyo naitatanong, I failed my midterm exam for that subject and when I say FAIL, bagsak na bagsak talaga. I only got 20 points out of 70 item exam. Shame noh? Kaya ang goal ko is 90% up ang final exam para makabawi (40% kasi ng total grade ang final exam kaya ayun ang hihila pataas ng grades) Kaso nga, 80% lang ako. Kaya parang 50-50 ang nararamdaman ko.

Thursday, October 20, 2011

Congrats Futsal Philippines


Philippines vs Black Knights-45
YELLOW (Australia) RED (Philippines)
My Classmates and I we’re invited by our professor to watch a Futsal game between Philippines and Australia last Monday, October 17, 2011. 

Futsal is like a football but unlike football, Futsal is being played indoor. Also, may 5 players lang sa court sa Futsal unlike Football na may 11 players. At higit sa lahat, 20 minutes per halves lang ang Futsal unlike Football na 45 minutes per halves.

Philippines vs Black Knights-3
Black Knights (Australia)
Before the game, una naming nakita yung Australian Team…relax na relax ang mga Australian. Parang handang-handa na silang mag-laro.

Philippines vs Black Knights-4
 Futsaleros (Philippines)  

Monday, September 12, 2011

Today My Life Begins :)




♫♪ I will break these CHAINS that bind me
HAPPINESS will find me...
leave the PAST behind me...
TODAY MY LIFE BEGINS ♫♪

Wednesday, September 7, 2011

White Party at Insomnia Bar



WHITE PARTY. from the word itself, everyone is expected to wear white shirts / pants / bras or anything basta white. Pero as you can see may mga naka-blue, red and green. Ewan ko ba sa mga kaibigan ko... ang lakas mambwiset sa mga organizer ng party. haha! 

Kahit kelan talaga bentang-benta ang facial expression ko. :D

Friday, September 2, 2011

Ano bang tipo mong babae?


Ano bang tipo mong babae?

Ang tipo kong babae? Ang tipo kong GF? simple lang...

'Pag magkaka-GF, gusto ko yung in-line sa fashion ang work

 kumbaga parang...


Liz Uy. kasi ramdam ko always minsan baduy ako pumorma. Kaya kapag may GF kang tulad ni Liz solve na. May GF ka na. May Stylist ka pa. 'San ka pa! :D

Friday, August 5, 2011

Missing You.


May mga bagay na dati kinaiinisan mo pero ngayon na-mimiss mo na. Tulad ng pagsusuot ng Chef Dress. :D
Kung dati, almost 3 times a week kailangan naka-chef uniform kami kaya naman super sawaan dati ng chef attire pero ngayon nag-iba na... Hinahanap-hanap na namin. Kaya naman nitong nakaraang lunes...nang nabigyan kami ng chance to wear it again. Grabe! No words can describe the feeling. OA? 

Ang lakas maka-HRM nang dating talaga kapag naka-chef attire. Agree? :)


We cooked and prepared Chicken Relleno (Stuffed Chicken) and Lumpiang Sariwa that day pala. But unfortunately, wala akong photos ng Lumpiang Sariwa at hindi ko rin natikman because i'm too busy WAITING for Chicken Relleno na maluto. :D Anyway's Here's the recipe for Chicken Relleno

Wednesday, July 27, 2011

Bagyong Juaning: A Blessing in Disguise



May natutunan ako dahil kay Bagyong Juaning. Na hindi lang puro pinsala ang dala ng isang bagyo, Minsan kaligayahan rin. Agree Students? :)

Baka akalaen ng iba na tamad akong estudyante. Hindi naman slight lang. Haha. I dont know why...pero parang tamad na tamad ako this week. Siguro epekto yun ng kakatapos lang naming examination week. O di kaya tamad lang akong sadya. Sa tingin niyo?

Balik tayo kay Juaning, dahil nga kay Juaning, This week ay 2 lang ang pasok ko. Nung Lunes at sa Sabado. kaya naman wala nang mas gagalak pa sa akin.

Dahil wala naman akong ginagawa. Gusto magbigay nang reaksyon sa SONA ni PNoy.

Thursday, July 7, 2011

Everyone Meet My BFF !!


Last Tuesday, pagka-uwe ko sa bahay galing school. Abah! nasaa pintuan pa lang ako e, nagsisigawan na ang mga pamangkin ko.

Pamangkin 1: Di mo nakita si Sam sa TV (nagyayabang yung aura niya)
Pamangkin 2: Sa Eat Bulaga!
Pamangkin 1: Oo! (nagyabang paren ang face niya)

Dinedma ko nga. haha!! So, diretso ako sa kwarto ko para magpalit. Tapos may pumasok, si Kuya, sabi niya.

Kuya: Nasa PNV si Sam kanina!
Ako: Baket contestant siya?
Kuya: Hindi judge siya. Pumayat nga siya lalo e,

Hindi masyado masigla ang mga sagot ko kasi pagod ako. Hindi pa kumakaen. Pero gumana na naman ang aking imahinasyon. Sabi ni Kuya, pumayat daw si Sam lalo. Tanong ko sa sarili ko; "Ano pang itsura nun, e, payat na yun"

Kinabukasan, hinanap ko yung video ng 'Eat Bulaga' dated July 5.  Mabilis ko namang nahanap dahil may tangking talento ako sa paghahanap ng mga videos na yan. Yun na nga nahanap ko na. At pinanuod ko. Aba! Confirmed! Si BFF nga!! Akalaen mo, naunahan pa ko maging artista.

So, everyone Meet my BFF...Sam! :)

Artistahin na nga si BFF. Naka-eye shadow na e,. :D Anyways, Congrats to you BFF! ikaw na! D Best ka! :)

Sunday, May 22, 2011

Buhay pa ko!



After May 21, 2011, eto pa rin ako buhay na buhay! -Nakaka-facebook, nakakapag-twitter at higit sa lahat nakakapag-online! :) .Kala ko ba end of the world na? tsk.

Well, isa lang ang ibig sabihin nito, pinagloloko-loko lang tayo ni Harold Camping, ang nagsabing end of the World nung May 21. Ang lakas pa ng loob nilang magpunta dito sa Pilipinas para magsabi ng mga walang katotohanang bagay. Subukan nilang pumunta ulet dito, babatukan ko na sila. wahaha!

Ayon sa balita, hindi lang pala isang beses nag-predict si Harold Camping na magugunaw ang mundo dahil nung 1994 ay sinabi na rin niyang magugunaw ang mundo ngunit hindi rin naman natuloy. Kaya ibig sabihin lang nito Mahal tayo ng Bro! (:

 "No one knows about that day or hour, not even d angels in heaven, nor the son but only the father."- Mathew 24:36-39

Hit the comment box kung buhay ka pa rin tulad ko. haha!

Thursday, May 5, 2011

Allan Goes to Majajay Falls !!


Last Saturday, gumala kaming buong pamilya papuntang Majajay falls sa Laguna. Pero bago ko ikwento un, ikwe-kwento ko muna yung unang beses kong marinig ang Majajay Falls. Kasi natatandaan ko pa noong freshmen college ako. Sumali ako sa Mountaineering Club ng school namen. Madali lang naman sumali, kailangan ilista mo lang yung name mo sa isang paper na nakapost sa bulletin board and that's it. Member ka na nila. haha! Ang una nga dapat pupuntahan namin e, sa Majayjay, Laguna dapat. Natatandaan ko pa umattend ako sa meeting nila at nagulat ako kase matatanda na yung mga nandun. wahaha!! though student paren sila...fourth year na ata sila nun. Tapos may mga pamphelt at parang nag-seminar na rin kung anong hindi dapat at dapat gawin kapag nasa "mission". But Unfortunately, hindi natuloy dahil may bagyo. Dalawang magkasunod na bagyo yun e,. Kaya hindi na itinuloy. Pero ang nakakatawang part... Nag-sign ako sa Mountaineering Club pero hindi sa HRM Organization kung saan una dapat akong naglista before sumapi sa ibang samahan. Yan ang mga bagay na hindi ko makakalimutan noong Freshmen ako.

Anyways, Nagpunta nga kami sa Majajay Falls. 3 Hours ang biyahe mula sa Makati. Nung marating namin yung place. Naglibot-libot muna ko at mukhang wala naman maganda o kakaiba sa lugar. Madumi yung ilog pati yung pool -puro lumot. At syempre, hindi ko napigilan ang aking bibig sa pagsambit ng mga nakakadismayang salita tulad ng "ang dumi naman". And guess what... wahaha! narinig nung caretaker ata un...ahaha! sabe niya mamaya daw lilinis rin kasi kaka-ulan lang daw. Hindi naman ako nag-react sa sinabi niya. Naglakad-lakad pa ako papuntang itaas na bahagi kasi nakita ko may nag-uumpukang tao dun pero nagmadali ako medyo sa paglalakad pero hindi ako tumakbo para hindi ako magmukhang tanga. Nung marating ko yung lugar kung saan maraming tao... may nakita akong 2 lalaking parang may tinutusok. Nilalagyan nila ng tubig yung pool gamit yung tubig mismo na umaagos galing ilog. Sabe ko sa utak ko "sus! yun lang pala...kala ko may deads na".

After nun bumalik ako ng cottage na medyo dismaya. At dinaan ko na lang sa kaen ang aking pagkadismaya. After kong kumaen, Syempre, swimming sa pool. At Grabeee. ang lamiiigg!! After mga 1 hour siguro pumunta ako sa ibang lugar, at dun ko nakita yung pinakamagandang part ng lugar. At dun ako napa-wow.

Thursday, April 28, 2011

Friendster Alert



You've heard the news? Magbabago na daw ang ayos ng Social Networking Site na Friendster in the coming weeks. Mawawala na ang mga social networking functions nito tulad ng mga messages, blogs and photos. Kaya pinapaalalahanan nito ang mga Friendster users na i-export na nila ang mga photos and ilang mga importanteng bagay na nakalagay sa Friendster account nila bago pa man ito tuluyang mabura.

At para mapadali ang pag-eexport ay gumawa ang Friendster Team ng isang application, ang "Friendster Exporter", kung saan mas mapapadali nito ang pag eexport ng mga data from friendster to other third party sites like flickr and multiply.

Matatandaan na ang Friendster ang pinakasikat na Social Networking Site noon sa Pilipinas. Namayagpag ito bilang nangungunang Social Networking Site ng limang taon sa Pilipinas. Ito rin ang nagbukas ng ideya sa mga Pinoy kung paano gumagana ang isang Social Networking Site.


Friday, April 22, 2011

Grado


Pagkatapos ng isang buwang paghihintay, Finally! All grades are released and posted. At isang malaking ngiti sa aking mukha ang sumibol ng aking makita ang aking mga grado. Yiee! na-achieve ko na rin ang pinapangarap ko noon pang walang dos (2) na grado. 



At mataas rin ang itinaas ng aking General Weighted Average (GWA) kumpara sa mga nakaraang semester.
Kung noong last semester ay 1.61 ang GWA at may dalawa pa akong dos (2), ngayon ay ang aking GWA ay 1.44 at wala pang dos. Kaya wala nang mas sasaya pa sa akin nung makita ko ang aking mga grado. 

Ngunit hindi ko  nabale ang "trend" sa mga major subjects ko. Kasi sabe nila kapag Major subjects ay mahirap makakuha ng 1.25 at uno (1), pinakamataas na daw yung 1.5 which I think ay may katotohanan naman kasi never pa akong nagka-uno o 1.25 sa mga major subjects ko. Swerte ko na kapag naka-1.5 ako tapos pag minalas malas pa 1.75. Pero choks lang! may next semester pa, Right Allan? :)

Pero kahit gaano kataas ang aking grado ay walang-wala pa rin ito kay John Gabriel Pelias ng University of the Philippines. Siya lang naman ang nanguna sa 21 summa cum laude, 215 magna cum laude at 794 cum laude na nagsipagtapos ngayong taon sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang general weighted average (GWA) ay 1.016. Grabeh!! Ikaw na John Gabriel Pelias!! 


At napanuod ko sa news na tatlong (3) beses lang daw siya nagka-1.25, tapos lahat daw ng grades niya ay puro uno(1) na. Kaya naman sayo John Gabriel Pelias, I Salute you!!


Sunday, April 3, 2011

The Sign




Ako yung tipo ng tao na kapag nahihirapan ako mag-decide on a certain thing or naguguluhan ako sa isang bagay na parang kailangan ko ng kasagutan o kalinawagan, talagang lumalapit at humihingi ako ng tulong Kay Bro (God). At kapag humihingi ako ng signs sa Kanya ay talagang kinakausap ko siya... sinasabi ko yung mga kondesyones.

Like what I did last wednesday, March 30, 2011, Humingi ako ng tulong Kay Bro kasi may gumagambala sa akin mentally and emotionally. Naguguluhan ako sa isang tao I don't know kung yung nararamdaman ko para sa kanya ay katulad nang naramramdaman niya para saken. You know what I mean. 

The Story.
Nung una na-attract lang ako sa kanya. Yung parang crush-crush lang or what should I say parang "Flavor of the Month" ko lang siya. Pero things changed. Naging mag-classmate kami last semester on more than 2 subjects ata. Hindi ko napansin na parang 'overdue' na ata siya para sa 'Flavor of the Month' ko. Dahil lagpas 3 months na ata ko siyang 'flavor'...but still, hindi pa rin ako 'na-uumay ' or 'nag-sasawa' sa kanya. But still, hinayaan ko lang. That time, alam ko na siya ay 'in a relationship'... at para saken okay lang kasi crush lang naman diba. Pero mukhang pinaglalaruan ata talaga ako ni Kupido kasi the situations changed.

The First.
Ok. morning nun, everyone inside the room is packing their things. Ako tinutupi ko yung pants ko sa kama. My bed position is facing the door. And that time, naka-bukas yung pinto. Then may pasok, so, napatingin ako.... Ohhh... siya pala! shet! di ko napigil yung sarili ko na tumitig sa kanya at hindi ko rin namalayan na nakatitig rin siya sken habang naglalakad siya...siguro mga 6-8 seconds rin yung titigan namen hanggang sa matauhan ako.

Wednesday, March 30, 2011

"Pack Lunch" & "Maputi Lang"


I have been quite busy these past few weeks. Grabe! yung iba nagbabakasyon na. Ako natataranta palang sa mga exams and research papers na kailangang tapusin. pero ok lang...masaya pa rin naman ako :)

Hindi rin ako nakapag-blog for a long time. Kaya magkwe-kwento na lang ako ng mga nakakatawa at nakakaasar na pangyayari saken nitong mga nakaraang araw.

Simulan natin sa PACK LUNCH
Monday morning yun. Nakasakay ako sa jeep papuntang school. Huminto yung jeep tapos may sumakay na dalawang babae sa may tapat ng Mapua, pero hindi sila ata mga estudyante ng Mapua kasi medyo may edad na sila. mga nasa 26 - 27 years old na sila kung titignan. Magkatapat sila ng upuan. Yung isa katabi ko. E di nag-usap sila.

Girl 1: Saan kayo kumakaen kapag lunch break?
Girl 2: Pack Lunch lang ako.
Girl 1: Saan yun? (amp.wahahaha!!)
Girl 2: May baon ako.

Haha. Parang gusto kong tumawa ng malakas that time. pero pinigilan ko yung sarili ko. wahaha! Nakakatawa kasi yung pagkatanong niya ng "Saan yun?"..parang curious na curious siya. :)
_______________ ...

#2 MAPUTI LANG.

Sunday afternoon, nagpagupit ako. Syempre, naglakad lang ako dahil sa wala naman akong kotse diba. Lakad ako ng lakad. Hanggang may natanaw akong 3 babaeng nagkwekwentuhan. Yung babaeng naka-green tumigin saken. Tapos next naman yung pink. Dun pa lang napagtanto ko na...na pinaguusapan nila ako. So, nung padaan na ko sa tapat nila sinabi nung nakakulay green na "Maputi lang". Wahaha! And I know she is referring to me. wahaha! napangiti lang ako sa sinabi niya. :) Kasi at last nalaman kong maputi ako. hihihi
_______________ ...

End of post. 
Madame pa kong dapat tapusin. hanggang sa susunod. :)

Wednesday, March 9, 2011

Olats.

I joined the recently concluded "Chef on Parade" participated by 13 campuses. I represent my campus on the "Cake-Decorating Battle" and the result... haha! OLATS. Waley na naman ako for the second time.

After I finished my work, nag-ikot ikot ako, tinignan ko yung gawa ng mga kalaban ko and may nakita akong di kagandahang gawa at may nagpa-wow naman sa akin.
I like this one for the elegance at perfect ang cake niya ah. Walang imperfection, unlike sa iba na may nahalata akong imperfections o pagkakamali.Yung gumawa nga lang ang may imperfection. may attitude si ate. haha! Nakisaksak na nga lang sa extension namen ng walang paalam. Sila pa ang nagalit nung nasangge.
Gusto ko naman etong Cake design na 'to for Creativity. And I must say super-talented ng gumawa nito. grabe. Nilapitan ko yung gawa niya. Supeerr Pulido.At yung gumawa pa e, medyo mabaet kasi hindi siya nagsasalita. Ngumingiti lang. hehe. Gusto ko sanang itanong kung pipi ba siya. joke.

At syempre hindi pwedeng matapos ang blog entry na 'to na hindi ko pinapakita ang aking gawa. Kaya eto na siya.

Saturday, March 5, 2011

Taking Exams. Check !



I'm Back! I'm done taking all my exams this week. And the result? Hmmm.. It's fine. not better than the result i got last exam. But wala naman bagsak kaya... Choks na! Bawi na lang sa Finals. :)

Pinakamahirap na exam this week ay "Accounting". Grabee! Top notcher talaga ang Accounting subject sa pagpapahirap sa mga estudyante. Ang pinakamadali naman ay "Filipino" at "Economics". Ang Pinaka-nakakainis naman ay ang "Speech". Mag-declaim ba naman kami ng "Vengeance is not ours, It's God's". And with matching pulube costume. I'll share some pictures tungkol sa "Vengeance" na yun...Soon! :) Medyo inaatake ako ng katamaran ngayon na  mag-upload. hehe.

Sunday, February 27, 2011

Unexpected Farewell


 

Sumakabilang-buhay na ang aming aso kanina. :( Pangatlong aso namin siya. At siya lang ang aso naming madaming pangalan, My pamangkins called her "Aira" while My mother and my brother used to call her "Mata", because of his big eyes. Ako ang tawag ko sa kanya "Pitgirl" -derived from his breed na "Pitbull" at dahil babae siya kaya naging "Pitgirl"

Hindi namin ini-expect na mamatay siya agad agad. Kasi medyo malakas pa siya though may sakit nga siya. 

Ang nakakaiyak pa. Hinintay niya lang si Mama na dumating galing sa mall bago siya namatay. :(( Si Mama kasi ang super-close kay "Pitgirl/Mata/Aira".

Sabi ni Papa when he heard about the death of Pitgirl, "Ganyan talaga". My father is planning na i-punta na si Pitgirl sa veterinarian on Monday kapag hanggang ngayong araw hindi pa rin siya gumaling. Pero an unexpected happened.

Anyways, Thank you kay Pitgirl for almost a year na inilagi niya with my family. Sabi nga "Lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan"

Friday, February 25, 2011

Spread Happiness ! ;)




This video simply puts a big smile on my face. Seeing my fellow countrymen so happy and  appreciative for what they've received..kahit na sabihing 'maliit na bagay' (well, except for lechon) lang naman ang natanggap nila. But still, masayang-masaya pa rin sila. This video truly shows that Filipinos are one of the happiest people in the universe.

Spread Happiness! ;)

Tuesday, February 22, 2011

I feel better now


Hindi masyadong naging maganda ang mga kaganapan sa aking buhay after kong mag-blog about Good Vibes.

FRIDAY = GOOD VIBES
SATURDAY = IRRITATING
SUNDAY = GALIT
MONDAY = INIS

Last Sunday ang pinaka-climax ng Bad Vibes. Nasaktan ako ng isang taong i used to call a friend, nang patalikod akong siraan sa ibang tao. Magsabe ng mga hinanakit niya sa akin sa ibang tao. Nung nalaman ko yun, Grabe... Parang nasaksak ako ng isang-daang beses or more than that. I never expect na isang kaibigan pa ang sisira sa akin. I think magiging mas magaan siguro para sa akin na yung hindi ko kaibigan ang sumira o manira sa akin ng patalikod...pero hindi e, kaibigan ko pa... P*cha talaga!

Kung feeling mo na-offend kita sa mga salita ko. Then, ano ba naman yung sabihin mo sa akin? At in the first place, may magagawa ba ang ibang tao kung feeling mo nga na-ooffend kita? Sus. Hindi na tayo mga Grade Schoolers para umasta ng mga ganyang bagay. If you have a problem with me, then say it to my face!! 

Kahapon ko pa dinadamdam ang mga nangyare. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pero I feel better now...I should say.

ShareThis